Hello sa inyong lahat. Alam ko naghihintay na kayo sa ULTIMATE ENDING ng story ko. Pero bago iyan pasalamatan ko lang ang mga taong sumubaybay mula umpisa hanggang sa katapusan ng "NO ONE" series ko. Mula sa kaibuturan ng aking puso ako ay nagpapasalamat sa inyong lahat. Heto po ang mga taong sumubaybay sa aking obra. Salamat din sa mga anonymous. At pati na rin sa mga silent readers.
Dahil sa inyo kaya ko pinagbubuti ang paggawa ng obra na ito. Hindi naman lingid sa inyo na mayroong tumuligsa dito. Naiintindihan ko sila. May mga bagay talaga na hindi angkop sa panlasa ng bawat isa. Hindi ko iyon inaalis. Hindi man siya kasing dami ng views na binabasa sa ibang blog or sa BOL. Nagpapasalamat pa rin ako kahit papaano may nakakaappreciate ng gawa ko at naglalaan pa rin sila ng komento para lalong ikaganda ng kwento ko. Alam ko may mga bagay kayo na hiniling pero hindi ko nagawa kasi pag ginawa ko lahat ng sinabi niyo parang kayo na lang ang gumawa ng kwento ko. Siguro naman po naiintindihan naman po ninyo ang ibig kong ipahiwatig.
To: Lyron at Makki alam niyo kayo na ang author. Hahaha..Malalaman niyo ang ibig kong sabihin pag nabasa niyo na ang EPILOGUE. Sa nagtatanong ng tunay na pangalan ni TINYO. Asa baba ang sagot.
Balik tayo sa kwento. May mga bagay sa mundo na ang inaakala natin na para sa atin ay hindi pala para sa atin. Ika nga nila kung tinadhana para sa iyo kahit na anong mangyari sa iyo pa rin mapupunta. Alam ko marami sa inyo ang gustong mapunta si Oliver kay Justin. Kahit ako aminado ako na siya rin ang gusto ko para kay Oliver pero sadya malikot lang ang imahinasyon ko kaya ko ginawan ng paraan para maiba. Iba sa gustong mangyari ng karamihan. Siguro kahit papaano naman napagbigyan ko kayo sa gusto niyo na maging sila Oliver at Justin kahit sa maikling panahon. Naging mag-asawa pa nga sila. Alam ko hindi sapat iyon pero papanindigan kong may karapatan kung bakit iba ang minahal ni Oliver. Yun lang po. Hanggang dito na lang. Salamat ng marami. Heto na po ang kahuli hulihang yugto ng aking obra na "NO ONE". Enjoy!
Balik tayo sa kwento. May mga bagay sa mundo na ang inaakala natin na para sa atin ay hindi pala para sa atin. Ika nga nila kung tinadhana para sa iyo kahit na anong mangyari sa iyo pa rin mapupunta. Alam ko marami sa inyo ang gustong mapunta si Oliver kay Justin. Kahit ako aminado ako na siya rin ang gusto ko para kay Oliver pero sadya malikot lang ang imahinasyon ko kaya ko ginawan ng paraan para maiba. Iba sa gustong mangyari ng karamihan. Siguro kahit papaano naman napagbigyan ko kayo sa gusto niyo na maging sila Oliver at Justin kahit sa maikling panahon. Naging mag-asawa pa nga sila. Alam ko hindi sapat iyon pero papanindigan kong may karapatan kung bakit iba ang minahal ni Oliver. Yun lang po. Hanggang dito na lang. Salamat ng marami. Heto na po ang kahuli hulihang yugto ng aking obra na "NO ONE". Enjoy!
______________________________________________
Ang hirap paniwalaan ang lahat ng sinabi sa akin ni Tinyo. Matagal kong kinausap siya. Umabot ng ilang taon. May mga pagkakataon na hindi siya makausap ng matino dahil nagwawala. Hindi madali ang ginawa kong paggagamot sa kanya simula ng mapunta siya dito sa aming lugar. Pero ang pinagtataka ko lang ay lahat ay detalyado. Kung titingnan mo siya wala sa hitsura niya talaga ang maging isang pasyente dito.
Dumaan ang araw, linggo, buwan at naging taon na at unti unting bumubuti na si Tinyo. Kakapasok ko lang noon sa institusyon na ginawa ng gobyerno. Nagulat ako ng sabihan ako ni Tinyo na ako raw ay si Justin noong kakapasok lang niya dito. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pakiramdam ko sa kanya at doon sa pangalang sinabi niya. May iba akong nararamdaman. Hindi ko alam.
Hindi ko aakalain na ganoon ang ikwekwento niya sa akin. Hindi ko inaasahan na ganoon ang kuwento ng buhay. Nakakaawa siya. Pero hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo. Pwede rin kasing imahinasyon niya iyon. Pero hindi ako pwedeng magkamali na lahat ng kuwento niya sa akin ay may pagkasunod sunod. Nagulat talaga ako.
“Tinyo..tulog ka na ha? Para bukas may lakas ka.” Ang sabi ko habang pinapatulog ko siya. Tumingin sa akin si Tinyo at yumakap sa akin. Natutuwa ako sa kanya. Sobrang gaan pa ng pakiramdam sa tuwing nakayakap siya sa akin. Talaga naman kahit anong bigat ng trabaho ay napapagaan niya.
Ng makatulog na si Tinyo sa akin sa ginagawa kong paghaplos sa kanyang likod ay inaayos ko ang pagtulog niya. Hindi kaila na maamo pa rin siyang tingnan kahit na sabihin nating hindi na siya bata. Pero sobrang niyang linis sa katawan kahit na ang ibang katrabaho ko ay nabibigla na talaga pinaliliguan siya araw araw dahil gusto niya ito.
Umalis na ako sa aking trabaho. Naisipan ko munang dumaan sa isang mall para bumili ng kape. Paborito ko kasi ang Starbucks kahit saan akong lupalop ng America maglibot noon. Habang ako ay nakaupo sa gilid ng shop ay may napansin akong babaeng kanina pa tingin ng tingin sa akin. Hindi ko maiwasang mairita at maging balisa ayoko pa naman ng babaeng nagpapapansin sa akin kaagad. Asiwa ako. Gusto ko ako ang gumagawa ng paraan para mapansin. Lumapit na ito pagkakuha ng binili niya. Kinabahan ako. At ng akmang lalapit siya at tumayo ako pero hinawakan niya ako.
“Oh my God..Tinyo ikaw nga!” Ang masayang niyang sabi sa akin. At niyakap niya ako. Nagulat ako sa sinabi niya. Dumistansiya ako.
“I’m so sorry but i don’t know you nor Tinyo you are talking.” Ang medyo nagtataka kong sabi.
“Yes you are. You don’t know me anymore? It’s me Barbara, Justin sister.” Ang sabi niya.
“I’m so sorry Miss. But i don’t know you nor those people you are talking. I got to go. Bye.” Ang nagmamadali kong sabi sa kanya at dali dali akong umalis ng store para puntahan ang aking sasakyan.
Natatakot ako sa kanya kaya walang lingon lingon akong umalis para makalayo sa kanya. Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa aking narinig mula sa kanya. Siya naman ang tumawag sa akin ng Tinyo. Ang pag kakaiba nga lang ay halos lahat ng sinabi niyang pangalan ay narinig ko mula sa kilala kong Tinyo. Naguguluhan ako.
Umuwi ako sa bahay ng sobrang pag iisip ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Naguguluhan na ako. Lagi kong napapanaginipan ang isang taong lagi kong kasa kasama noon pero hindi malinaw ang mukha. Ngayon naman ay ang pasyenteng si Tinyo ay pakiramdam kong may malaking bahagi sa aking pagkatao na kailangang alamin para mabuo akong muli. At itong huli ay ang nangangalang Barbara. Sino naman siya sa buhay ko? Naguguluhan na ako.
Natulog na lang ako baka sakali mawala itong aking mga iniisip. Pero sa kabilang banda ay gusto ko ng matapos ang mga gumugulo sa isipan ko. Sa sobrang pag-aalala ay nakatulog na ako.
“Hmmpp...hmmmppp..Kuya!!!” Ang sigaw ko ng magising ako sa aking masamang panaginip
Nandiyan na naman ang aking panaginip. Pero ngayon ko lang narinig ang sarili kong binanggit ang Kuya. So ibig bang sabihin nito ay ang lagi kong napapanaginipan ay ang Kuya ko. Pero paano? Sino naman sa mga kapatid kong lalaki iyon. Hindi naman ako sobrang dikit sa kanila. Matawagan ko nga sila para kamustahin.
Tinawagan ko ang mga kapatid ko sa America. Okay naman daw sila at wala naman daw masamang nangyari matapos ko silang kamustahin. Naguguluhan ako kung bakit ngayon ko lang nalaman na lalaki pala ang lagi kong napapanaginipan. Pwede bang wala itong kinalaman sa akin? Pero impossible naman na wala kasi laging napapanaginipan at laging iyon lang ang panaginip ko. Kaya nagtataka ako sa aking panaginip.
Doktor ako at hindi manghuhula na kaya kong malaman ang mga ganitong bagay. Kaya gusto kong malaman ang lahat. Siguro panahon na para kausapin si Tinyo. Nakikinig naman siya sa akin. Saka isa pa alam kong may deperensiya siya pero iba ang pakiramdam ko sa kanya dahil nagsasabi siya sa akin ng totoo. Pupuntahan ko muna si Tinyo.
Pinuntahan ko si Tinyo kahit madaling araw. Doon na lang ako sa aming opisina matutulog. Pwede naman iyon kasi may higaan doon. Saka hindi naman ako natatakot sa mga pasyente ko doon. Kaya dali dali akong pumunta pabalik sa aking trabaho.
“Madaling araw pa lang Doc mukhang papasok na kayo ngayon may trabaho po ba kayong naiwan?” Ang sabi ni Mang Jerry, security guard sa gate.
“Oo eh. Dito na ako matutulog may aasikasuhin din kasi akong mga papales.” Ang palusot ko.
“Sige po mag ingat na lang po kayo sa loob alam niyo na po maraming may sira ang ulo baka hindi ka makatulog.” Ang pananakot pa niya sa akin.
“Sana’y na ako Mang Jerry. Sige pasok na ako.” Ang sabi ko.
Tama naman siya kasi may maririnig ka laging may umuungol iyon pala yung ibang mga pasyente malilibog na ginagapang ang ibang kapwa pasyenteng baliw. Oo nangyayari iyon kasi nakasaksi ako ng minsang matulog ako dito. Kita kita kong binabayo ng lalaking pasyente ang isang tulalang pasyente na katabi niya. Nakalimutan kasing talian ng nurse ang pasyente na inakala niyang nabigyan na ng pampatulog kaya nakawala ng magising at nakapangbiktima na naman ng pasyente. Nakatulog kasi kami noon. Kaya ng magising sa ingay ayon basang basa na ang loob ng isang babaeng pasyente. Hindi nga namin alam kung nakailang beses na siya kasi dumudugo na ang puwerta ng babae pero para wala lang doon sa pasyente kasi tulala nga.
Simula noon nagkaroon kami ng matinding inventory ng pampatulog para malaman namin kung mayroong pasyente kailangan turukan o painomin. 3 nurse at 6 na nursing aide kasi ang naiiwan dito sa gusali. Pinuntahan ko ang opisina ko at nilagay ang aking bag na dala. Napansin ko namang na papatulog na ang mga nurse at nursing aide. Oo pwede silang matulog pag panggabi kasi hindi naman ganoon karami ang gagawin kumpara sa umaga.
Doon ko sinimulan ang aking balak na kausapin si Tinyo. Kaya lumabas ako at pinuntahan ko ang kuwarto ni Tinyo. Nakita kong mahimbing siyang natutulog kaya maya maya ko na lang siyang kausapin pag sumikat na ang araw. Nagyosi muna ako sa baba ng gusali. Nilalanghap ko ang malamig na simoy na hangin. Kausap ko ang isang guard na nakabantay naman sa gusali.
“Kamusta naman kayo dito Mang Jestoni?” Ang sabi ko.
“Okay naman doc. Nakakabagot din kasi heto walang magawa baka kasi may makawalang pasyente kaya ako nakalaerto.“ Ang sinsero niyang sabi.
“Sabagay tama ka. Kahit ako din kung nasa posisyon mo ay ganoon din ang aking mararamdaman.”Ang sabi ko.
“Doc matanong ko kayo wala pa po ba kayong asawa? Kasi sayang naman yung gandang lalaki niyo kung walang makakakuha sa inyo.” Ang pag iiba ng topic niya.
“Wala eh. Ewan ko wala kasing nagtatagal sa aking babae hindi ko maintindihan kung kanino ang may problema sa akin ba o sa kanila.” Ang sabi ko.
“Naku Doc baka naman mapili kayo. Aba doc hindi narin tayo bumabata at kailangan din nating magkaanak para naman may magpatuloy ng lahi natin.” Ang sabi niya.
“Eh ano magagawa ko wala talaga eh. Saka alam kong darating din ang tamang panahon para magkapamilya ako.” Ang sabi ko.
“Sabagay doc tama ka rin.” Ang sabi niya.
Aminado naman ako na gusto kong magkapamilya pero kahit na anong gawin ko ay wala talagang magkamaling pumatol sa akin. Paano naman lahat ng gustuhin kung babae ay kung hindi manloloko ay mga bilmoko. Wala akong mahanap na matinong babae.
Tumagal pa kami ng kuwentuhan ni Mang Jestoni ng hindi naming namamalayan ang oras masarap kakuwentuhan si Mang Jestoni at ng mapansin kong malapit ng magbukang liwayway ay nagpaalam na ako para puntahan si Tinyo.
Ng makarating ay nakita kong natutulog pa rin si Tinyo at may mga pasyente namang gising na. Pero hindi naman sila ang pakay ko. Kaya pumunta ako sa kama niya at umupo ako. Hinaplos haplos ko ang kanyang mukhang napakaamo. Maya maya ay nakita ko siyang nagising at nakangiti sa akin.
“Good Morning Tinyo!” Ang masayang sabi ko.
“Justin!!” Ang sabi niya at dali daling umupo hindi sinasadya napalapit siya sa akin at nagtama ang aming mga labi.
Bigla kong naramdaman ang kakaibang pakiramdam na parang hindi na bago sa akin. Itong paghahalikan namin ang siyang pinakamasarap na aking naramdaman sa buong buhay ko. Parang matagal ko ng inaasam ito. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko. Kakaiba sa lahat ng nagpatibok sa akin. Hindi ko alam pero parang siya ang hinahanap ko na matagal na.
Bigla akong napapikit at ninamnam ko ang kanyang pagkakahalik sa akin. Naramdaman kong gumaganti na ako at gumanti din siya. Sobrang sarap sa pakiramdam. Hindi ko inaasahan na biglang akong dadalhin sa isang panaginip na lagi kong napapanaginipan. Siya pala ang kasama ko lagi kung saan kami ay masaya at laging magkahawak kamay. Hindi ako pwedeng magkamali kasi ng naghiwalay kami ng kamay ay tumakbo ito at hinabol ko siya at ng mahabol ko siya ay niyakap ko siya at pinaharap bago siilin ng isang halik at nakita ko ang mukha ni Tinyo at ng maghiwalay kami sa aming paghahalikan ay ito ang narinig namin sa isa’t isa.
“Kuya Oliver mahal kita.” Ang sabi ko.
“Tinyo mahal din kita.” Ang sabi niya.
Napamulat ako ng mata sa aking narinig at nakita kong nakatingin siya sa akin na parang naguguluhan. Panaginip lang ba iyon o totoo? Pero alam kong nagdikit ang labi namin. Tiningnan ko siya at nakita kong tumulo ang luha niya ng hindi nagwawala. Hinawakan ang mukha ko.
“Ti..tinyo ikaw na ba iyan?” Ang naiiyak na sabi niya. Kinabahan ako kasi ibang boses ang naririnig ko sa kanya. Hindi na siya yung batang nagsasalita ngayon. Napatayo ako. At umalis at naririnig ko pa siyang tinatawag ako pero hindi ako lumingon. Nakita ko ang isang nurse at sabihang turukan ng pampakalma si Tinyo.
Sinunod naman ng nurse na aking iniutos. Pumasok ako sa opisinang gulong gulo ang aking isip. Lalo ako naguluhan sa aking napanaginipan. Impossibleng mangyari iyon. Na siya lang pala ang lagi kong napapanaginipan. Pero bakit? Sino ba siya? Bigla sumakit ang ulo ko.
“Ahhhhh...ang sakit!” Ang daing ko at hinahawakan ko ang aking ulo kasabay noon ay pagkawala ng malay ko at natumba ako.
Nagising ako sa isang amoy ng amonia. Pampagising sa mga nahimatay. Nakita kong nakahiga na ako at kasama ang nurse na inutusan ko.
“Doc Smith okay na po ba kayo?” Ang nag-aalala sabi ni Nurse Mary. Siya pala ang inutusan ko. Nawala kasi sa isip ko dala sa nangyari sa amin ni Tinyo.
“Okay na ako. Uuwi muna ako para makapagpahinga. Pakisabi na lang kay Dr. Del Mundo na siya muna ang tatao dito kasi masama ang pakiramdam ko.” Ang bilin ko kay Nurse Mary.
Umalis na akong balisang balisa. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ng makarating ako ay bigla akong naligo para kumalma ako. Binuksan ko ang shower ng aking banyo. Pinikit ko ang mata ko habang dumadaloy ang tubig sa aking katawan.
Kuya Oliver mahal na mahal kita. Akin ka lang. Walang aagaw sa iyo.
Kuya gusto kasi kita kaya ako nagkakaganito.
Kuya mahal na mahal kita. Hindi naman tayo magkapatid. Kaya pwede mo akong mahalin.
Ang mga alaalang aking naalala mula sa aking nakaraan. Naiyak ako ng maalala ko iyon. At pumatak ang luha ko na hindi ko inaasahan. Tinapos ko ng ang aking paliligo at pumunta ako ng mall kung saan nakita ko ang babeng tumawag sa akin bilang Tinyo.
Tumagal ako doon sa mall na iyon. Sobrang kabado ako. Lumipas ang ilang oras pero hindi ko pa rin siya nakikita. Hindi rin kasi ako sigurado kung makikita ko sila. Hanggang sa nawalan ako ng pag-asa kaya bumalik na lang ako ng bahay na sawi. Bago pa man ako makarating sa aking bahay ay nakita ko ang isang sasakyan na nakaparada sa harapan ng gate. Nagtaka ako. Pinara ko ang aking kotse sa hindi kalayuan sa bahay ko. At saka bumaba ako. Bumukas ang pinto ng sasakyang nakaparada. At ako ay nagulat sa bumaba.
“Tinyo!!!” Ang sabi ni Ate Barbara.
Hindi ko alam pero biglang bumalik ang alaala ko sa ginawang paghalik sa akin ni Tinyo este ni Kuya Oliver. Gusto kong malaman ang nangyari sa kanya kung bakit siya naging ganoon kung tama nga ang sinabi ni Kuya Oliver sa ginagawa kong pag-aaral sa kanya.
“Ate Barbara!!” Ang sigaw ko at umiiyak na tumakbo sa kanya at yumakap.
“Sabi na nga ba ikaw si Tinyo! Bakit ngayon ka lang nagpakita?” Ang naiiyak na sabi niya. Tumingin ako sa kanya at pinunasan ang luhang umaagos sa aking mukha.
“Ate Barbara mahabang kuwento. Punta muna tayo sa loob.” Ang sabi ko.
Pumasok na kami sa loob. Pinaupo ko siya sa aking sofa kasama niya ang mga anak niya at ang asawa niyang foreigner. Pinakuha ko ng meryenda ang isang katulong ko. Umupo rin ako sa tabi ni Ate Barbara.
“Musta ka na Ate Barbara? Paano mo pala nahanap ang bahay ko?” Ang sabi at usisa ko.
“Eto may asawa ng British. Siya pala si Andrew Moores. Ang aking mga anak. Natalie, Kevin at Roger. Say hi to them kids. At saka nakuha ko ang address mo ng kinuha ko ang pangalan mo sa Starbucks doon sa mall na pinuntahan mo. Kilala ka pala nila dahil lagi ka raw bumibili at isang sikat na Doctor dito sa Pilipinas. Kaya madali kong nakuha lahat ng impormasyon. Kaya dali dali kitang pinuntahan dito sa bahay mo.” Ang pakilala niya sa akin sa asawa’t anak niya. Kinamayan ko naman ang asawa niya. Sabay sabay na kumaway ang mga anak ni Ate Barbara. Mukhang namang okay si Ate Barbara. Hindi ko kasi alam ang nangyari sa kanya simula ng may nangyaring hindi maganda sa akin. At doon ko rin nalaman kung paano niya nalaman ang tinitirhan ko.
“Ikaw naman kamusta na? Anong bang nangyari sa iyo? Hindi mo ba alam na sobrang nag-alala si Kuya Oliver mo pati kami. Akala namin patay ka na. Anong bang nangyari sa iyo?” Ang sunod sunod niyang tanong sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
“Ate Barbara. Naglayas ako simula ng hindi na ako kausapin ni Kuya Oliver. Ang sakit sakit na lagi ka niyang iniiwasan na parang nandidiri sa iyo. Ate may nangyari sa amin ni Kuya Oliver kaya galit na galit siya. Kung alam ko lang na iyon ang mangyayari sa ginawa kong kapusukan ay sinantabi ko na lang ang aking nararamdaman.”Ang gumagaralgal kong sabi. Hinawakan ako sa kamay at nakatingin sa akin si Ate Barbara. Nagpatuloy ako.
“Pero hindi ko kayang makitang masaya sila ni Kuya Justin nagseselos ako. Matagal ko ng nararamdaman ito mula ng makilala ko siya. Bata pa lang ako pero iba na ang pakiramdam ko kay Kuya Oliver. Mahal na mahal ko si Kuya Oliver.” Ang sabi ko at nagsimula ng tumulo ang luha.
“Ate Barbara kaya naisipan ko ng lang na maglayas para hindi ko na maramdaman iyon. Nagkaroon lang ng problema dahil ng papunta ako ng Galera ay bigla nagkaproblema ang aming sinasakyang bangka. Sumabog ito. May niligtas akong babae na siyang kumuha ng life vest kasi hindi siya nakasuot. Naawa kasi ako. Sa kasamaang palad nahiwalay ako sa babaeng niligtas ko dahil may humampas sa aking kahoy mula sa sumabog na bangka. At nawalan ako ng malay.“ Ang paliwanag ko.
“Nakita akong palutang lutang ng mag-asawang kano na parehong Doktor. Nagbabakasyon kasi sila sakay ng isang yate. Nagising ako ng wala na akong naaalala kaya matapos ang 6 na buwan ay napagpasyahan nila akong ampunin dahil walang nakakakilala sa akin. Pinangalanan nila akong Lance Peter. Smith ang kanilang apelyido. Sa Camiguin kasi nakatira ang mag-asawa. Hindi kalaunan ay umuwi na sila sa US at dinala nila ako. Pinag-aral at naging doktor din ako. Hindi ko alam kung nagkataon lang ito o baka naman dahil lang sa ito ang magiging susi ng muli naming pagkikita ni Kuya Oliver.” Ang sabi ko.
“A..ano..nag..kita na kayo ni Kuya Oliver? Asan na siya?” Ang nauutal at gulat na gulat niyang sabi.
“Oo pasyente ko pala siya na inaakalang siya ay si Tinyo.” Ang sabi ko.
“Tara puntahan natin siya. Gusto ko siyang makita.” Ang naiiyak at sabik na sabik na sabi niya.
“Sige samahan kita. Mabuti ng iwan mo muna asawa at anak mo dito tayo na lang ang pumunta para hindi na sila maabala. Baka matrauma sila sa makikita lalo na ang mga anak mo.” Ang pagpapaalala ko.
Ayon na nga ang ginawa niya. Nagpaalam siya sa kanyang asawa at pumayag naman ang asawa nito na sumama sa akin. Sinabihan ko rin ang mga katulong na asikasuhin mabuti ang mga bisita. Kung gustong maglaro ng mga bata ay mayroon akong game room sa pinakamataas pwede sila doon.
Umalis na kami para makita namin si Tinyo este si Kuya Oliver. Tiyak matutuwa ito. At hindi naman ganoon katagal ang biyahe pero inabot pa rin kami ng kalahating oras para makapunta lang doon. Sinalubong kami ni Mang Jerry.
“Good Afternoon doc.” Ang magalang na bati ni Mang Jerry.
“May pupuntahan kasi kami. Nakita ko na ang kamag-anak ng isang pasyente ko.“ Ang sabi ko.
“Sige po.” Ang sabi niya.
Pumasok na kami. At sinamahan ko na siya sa taas kung saan nandoon si Kuya Oliver ko. Nakita namin siya na nakaupo sa kanyang kama at mukhang malalim ang iniisip. Hawak hawak ang kuwintas na parang pamilyar sa akin. Iyon din ang kuwintas na binigay ng isang staff ng hospital na nagdala kay Tinyo este Kuya Oliver dito sa pinagtatrabahuhan ko.
“Kuya Oliver!” Ang sigaw ni Barbara.
“Bar...ba..ra!” Ang nauutal na sabi ni Kuya Oliver.
“Kuya Oliver!!!” Ang sigaw niya at tumakbo ito papalapit kay Kuya Oliver at ganundin si Kuya Oliver. Nagyakapan sila. Nakita kong umiiyak si Kuya Oliver.
“Anong nangyari sa iyo Kuya Oliver? Paano ka napunta dito?” Ang sunod sunod na tanong niya.
“Mahabang kuwento. Pero upo muna tayo sa kama ko.” Ang sabi niya. Mukhang nakakaalala na talaga si Kuya Oliver.
Kinuwento na lahat ni Kuya Oliver ang nangyari sa kanya simula ng mawala ako hanggang sa mamatay si Kuya Justin at hanggang sa mapunta siya dito. Naawa ako sa kanyang sinapit. Noong una aminado akong hindi ako naniniwala pero habang tumatagal ay dama kong nagsasabi siya ng totoo kahit na may mga pagkakataong naghihysterical ito sa mga nangyari sa kanya dala ng trauma na naranasan niya noon.
“..Kaya ayun dun ko nakita si Tinyo na inakala kong si Justin. Gumaling ako dahil kay Tinyo.” Ang pagtatapos ng kanyang kuwento. Tumingin ito at tumayo at lumapit sa akin.
“Tinyo, bunso wag mo na akong iwanan. Ayoko ng mawalay sa iyo.” Ang sabi niya sa akin. Niyakap ko siya.
“Oo Kuya Oliver hindi na kita iiwan. Promise ko iyan sa iyo.” Ang naiiyak kong sabi.
Nag usap pa kaming tatlo at sinabi ko sa kanila na nagkaroon si Kuya Oliver na isang Anxiety Disorder na tinatawag natin Post Traumatic Stress Disorder kung saan dala ng matinding naranasan niya ay natrauma ito at paulit ulit na tumatak sa kanyang isipan. At isa na doon ay ang pagkamatay ni Kuya Justin na talaga namang tumatak sa kanyang isipan ng matindi. Ito ang naging dahilan kung bakit lagi niya itong hinahanap.
Isa ding mekanismo ang ginagamit ni Tinyo ay panggagaya sa akin dahil na rin sa inaakalang nawala na ako na tinatawag nating Identification. Matindi rin iyon para sa kanya. At alam kong mahirap sa kanya iyon. Naawa ako dahil mahal pala talaga ako ni Kuya Oliver. Naging makasarili ako ng iniisip kong lumayas na lang sa poder niya. At hayaan na lang siya kay Kuya Justin.
Pero naging maganda ang kondisyon niya dala ng ako ay naging bahagi ng kanyang paggaling. Naalala niya sa akin si Justin na nagbibigay sa kanya ng pag-asang gumaling at ito ang ginamit ko para mapabuti ang kundisyon niya.
Hindi madali ang ganito lalo na kung walang suporta galing sa pamilya. Kaya nagkataon na wala akong maalala kaya hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin si Kuya Oliver. Pero hindi ko nakakaligtaan na lagi siyang unahin sa lahat ng aking pasyente kahit na wala akong maalala noon. Buti nalang malakas ang pakiramdam ko sa kanya kaya naging malapit ako sa kanya. Naging susi din ito para kami magkatulungan bumangon sa pait ng aming nakaraan.
“Ate Barbara tulungan mo ako tungkol sa pag alis namin ni Kuya Oliver papuntang US. Iaalis ko siya dito at maninirahan na kami sa US. Gusto ko siyang gumaling pa lalo. Magsisimula kaming muli.” Ang pakiusap ko kay Ate Barbara.
“Oo sige asahan mo ako. Bukas na bukas din pupunta ako ng Manila para asikasuhin ang lahat. Salamat Tinyo nagbalik ka. Alam kong mahal mo pa rin si Kuya Oliver mo kaya alagaan mo siya mahalin mo ng buong puso.” Ang sabi niya.
“Tinyo, bunso salamat nagbalik ka sa buhay ko. Sana maging okay na ang lahat.” Ang sabi ni Kuya Oliver.
“Oo asahan mo ako Kuya. Hinding hindi na kita iiwan pa.” Ang sabi ko.
Simula noon ay hindi ko na iniwan pa si Kuya Oliver. Pinakita ko sa kanya na nandito lang ako sa tabi ko. Inaalagaan ko siya at maya maya ko siyang tinitingnan. Hindi na rin akong umuuwi sa bahay para lang masiguro kong okay si Kuya Oliver.
Napapansin na rin pala ito ng aking mga kasamahan kaya tinanong ako ni Nurse Mary.
“Doc hindi sa pangingialam ano po ba kayo ni Tinyo?” Ang usisa niya.
“Asawa ko siya!” Ang nakangiti kong sabi.
“Po?” Ang nagulat at nagtatakang sabi niya.
“You heard it right. Hindi ka naman siguro bingi. Asawa ko siya. At hindi siya si Tinyo siya si Oliver. Oliver Concepcion. Ako si Tinyo Concepcion ang asawa niya.” Ang nakangiti kong sabi.
Napakamot na lang ito sa ulo. At hindi na nagtanong. Umalis na lang siya. Hindi siya ata naniniwala. Hindi ko na rin naman siya kailangan paniwalain pa sa mga sinabi ko.
Lumipas ang ilang buwan ay naasikaso na ni Ate Barbara ang kailangan namin ni Kuya Oliver. Nagresign na ako sa pinagtatrabahuhan ko. Nagulat silang lahat lalo na ng malaman nilang kapatid ko si Kuya Oliver. Kaya naman minadali ko siyang inalis sa institusyon ng matapos kong makuha ang mga kaukulang dokumento para makalabas na siya dito.
At saka hindi ko na pinapalitan ang pangalan ko. Gagamitin ko pa rin ang ginagamit ko sa kasalukuyan dahil madali kaming makakaalis. Papalitan na lang namin ang apelyido ni Kuya Oliver. Iyon kasi ang napagplanuhan naming 3. Para mawala lahat ng masasamang nangyari sa buhay namin. Bagong apelyido. Bagong simula.
Dumaan ang araw at oras na para bumalik nila Ate Barbara sa London. Hinatid ko sila para pormal na makapagpaalam.
"Tinyo alagaan mo ng mabuti si Kuya Oliver. Wag na wag mong pababayaan. Pag may nangyaring masama diyan. Lintek lang ang abot mo sa akin." Ang pagbabanta ni Ate Barbara. Kasalukuyan kaming nasa Airport. Si Kuya Oliver ay hindi pwedeng lumabas dahil polisiya ng institusyon iyon. Kaya nga minamadali ko na ang pag-alis sa kanya sa insititusyon na pinagtatrabahuhan ko.
"Opo Ate Barbara. Hinding hindi na mauulit iyon. Pinapangako ko sa iyo. At pag magaling na talaga si Kuya Oliver dadalaw kami sa London." Ang sabi ko.
"Promise mo iyan?" Si Ate Barbara.
"Hon. Let's go we need to go Immigration." Ang sabi ng asawa ni Ate Barbara.
"Sige na Tinyo, kailangan na naming umalis. Ingat kayo." Ang sabi ni Ate Barbara. Kumaway lang ako sa kanilang lahat habang papapasok sila ng Airport.
Nagbakasyon lang sila at buti nga nakilala pa ako ni Ate Barbara kundi hindi ko mabubuo kung sino talaga ako. Umalis na ako para puntahan si Kuya Oliver.
Ako naman ay binenta ko ang aking bahay sa Laguna pandagdag ko rin iyon sa aking naipon. May ipon naman ako pero siyempre iba pa rin ang may kita ka buwan buwan.
Araw ng pag-alis namin sa intitusyon. Nagpaalam at nagpasalamat ako sa lahat ng mga taong naging parte ng buhay ko dito sa pinagtatrabahuhan ko. Hindi madali ito pero kailangan para sa mas mapanatag ako/kami ni Kuya Oliver. Iba pa rin ang nabubuhay ka ng matiwasay. Malayo sa mapanghusgang lipunan
Doon sa pupuntahan namin ay payapa. Makakagalaw ka ng maayos. Walang mang kasiguraduhan kung magtatagal kayo pero gagawin ko pa rin ang lahat ng aking makakaya parang maging matatag at maging maayos ang buhay namin ni Kuya Oliver.
Tiningnan muna namin ang gusaling pansamantalang naging parte ng buhay namin ni Kuya Oliver. Ilang saglit lang ay nagsabi na akong umalis na kami. Inakbayan ko si Kuya Oliver at saka kami sumakay ng sasakyan.
“Tinyo, bunso sorry sa lahat ng pagkukulang ko.” Ang sabi ni Kuya Oliver pagkaupo na pagkaupo namin sa sasakyan.
“Kuya Oliver ako ang dapat na humingi ng sorry dahil ako ang nagkulang. Ako ang nang iwan. Hinding hindi ko na uulitin iyon. Pinapangako ko sa iyo na aalagaan kita.“ Ang sabi ko kasabay ng paghawak ko sa kamay niya. Tumingin siya sa akin. Hininto ko muna ang sasakyan.
May kinuha si Kuya Oliver sa bulsa niya. Yung kwintas na lagi niyang hawak hawak. Iyon ang kwintas na binigay niya sa akin noon.
"Bunso suutin mo ito. Ito ang kwintas na nagbigay sa akin ng pag-asa na balang araw matatapos ko na rin ang unos sa buhay ko. Salamat at nagbalik ang tanging pag-asang nagbigay sa akin noon. At ikaw iyon bunso." Si Kuya Oliver na nangingilid na ang luha bago sinuot ang kwintas sa akin.
“I love you Bunso!” Ang nakangiti niyang sabi.
“I love you more Kuya!” Ang sabi ko ring nakangiti.
Unti unting naglapat ang aming labi. Naghalikan kami. Mapusok maalab. Kumpleto na ang buhay ko dahil nahanap ko na ang matagal ng kasagutan sa aking pagkatao.
Ang buhay ng tao ay paikot ikot lang. Parang gulong. Minsan nasa baba ka. Minsan naman nasa taas ka. Hirap tayo kung paano natin balansehin ang buhay natin. Kaya kung hindi tayo madiskarte sa buhay lalo lang tayo malulugmok.
Nabubuhay tayo sa isang simple pangarap noon. Simple buhay. Pero minsan hindi tayo nakukuntento sa bagay na kung anong meron sa atin. Aminin man natin yan o hindi.
Gusto natin maging masaya sa buhay. Pero nakakalimutan naman natin ang iba. Nagiging makasarili. Pagdating ng panahon doon tayo nagsisisi. Dahil huli na ang lahat.
Nakakatuwang isipin na mahirap maintindihan ang isang tao. Dahil pabago bago tayo ng desisyon. May kanya kanyang utak na siya nagsasabi sa atin kung ano ang tama at mali. Kung anong dapat gawin. Kaya nga walang nilalang ang makakaintindi ng lubos sa atin kundi ang sarili lang natin......NO ONE.
(Theme song ng "NO ONE" series)
______________________________________________
Ako po ay magpapahinga lang pansamantala. Kailangan ko lang ng konting pahinga para mapagana ko ulit ang utak ko. Hehehe..Pag natapos ko na ang susunod na obra ko ay ilalathala ko kaagad iyon. Please Add me: IM BI-POSITIVE para lagi kayong updated. Hehehe. Dito ko rin kasi ilalabas ang sunod na obra ko.
17 comments:
very nice... naenjoy q to, sobra.. mgkakahalong emosyon nramdaman q sa kabuuan..mga pandidiri sa mga unang chapter, awa, inis at galit, tuwa, at syempre kilig.. msaya aq dhl mganda ang nging pgtatapos ng kwento, though my kaunting panghhinayang kc wla man lng naitbing alaala ni justic c oliver
rating: two thumbs up :)
Wow ang galing at tlagang sila pra s isat isa kc panahon n ang naglapit kna tinyo at oliver at galing galing mo tlga sir jay at gud luck po s next story mo susubaybayan ko tlga yan GOD BLESS!!!!!
JDS frOm Kuwait
CONGRATS JAY!
Napabilib at napasaya mo ako sa kwento mo...
Bukod sa may napulutan akong aral happy ending pa siya...
Salamat..
You deserve a STANDING OBLATION! este STANDING OVATION pala.. LOL ( idol ko kasi si M.R. sikat daw yun LOL )
Lumelevel up na ang panghuhula ko ah! LOL
SUPERB ENDING!
cheers! let's drink to that!
Hihintayin ko ang susunod mong magiging akda!
maraming maraming salamat sa pag share ng iyong kwento..
Saludo ako sayo Mr. Author!
WOW! 10/10 ok na ok ang ending!! hindi siya masasabing happily ever after buta new beginning, a spark of hope... Hihintayin ko ang mga darating pang mga lathala mo! :)
@Rue:salamat at lagi kang nandito para basahin ang obra ko. Hindi ko pa masyadong nababasa ang obra mo. Pero since tapos na itong series ko. May panahon na.Hehehe..
@JDS frOm Kuwait:salamat..wag ka po sana magsawang magpunta dito sa blog ko.
@Ross Magno:dapat lang na maging masaya ka.Kc ikaw ang isa sa mga tumatangkilik sa gawa ko.hehehe..
@--makki--:Nabasa ko rin yan. Sa twitter daw ni M.R. yan. pero wala namang twitter si M.R. Idol ko kaya yun kahit na palengkera.hahaha..
Ayan ha sinagot ko na yung tanong mo at special mentioned pa kayo ni LYRON. (Question ko lang: Ikaw ba yung sa profile pic mo? Ok lang kung ayaw mong sagutin.hahaha..kumekerengkeng lang ako.hahaha..joke lang!)
@Lyron:in fairness magaling kang manghula (Nurse ka rin ba?). Kung nurse ka bakit ka nakaCHEF na damit? Hehehehe..sa profile pic mo o baka style mo lang yan..hehehe.salamat sa pagdalaw dito sa blog ko.
CONGRATULATION MR. AUTHOR!....Mabuhay ka!...di ka nagbago hanggang sa huli ganun pa rin ang lvel ng tense na naramdaman ko at di ko napigilan mata ko na lumuha...ang ganda talaga ng NO ONE mo po...keep on writing mr. author....aabangan ko ang susunod mong mga kwento...GOD BLESS YOU ALWAYS
I have nothing to say ..
cause i have said everything on my comment in the previous chapter or the ending on BOL ..
basta .. salamat .. a very inspiring and full of TWISTS story suited for a promising author like you ..
salamat :(
@jayFinpa: LOL.. hmm discover mo na lang.. di ba kapani-paniwala?
@jayFinpa siya nga pala.. Maraming salamat sa Special Mention mo.. sorry po ksi nakaligtaan kung pasalamatan ka.. sorry po talaga.. :)
@louie15:salamat..dalaw ka ulit dito para sa susunod na akda ko. God Bless You too.
@Coffee Prince:i know na may panghihinayang ka. Minsan sa buhay ng isang tao may ganung nangyayari kaya hindi kita masisisi kung ganun ang maging comment mo. Pero ganunpaman ay nandiyan ka from start till end andyan at hindi ka bumitaw. Salamat sa iyo. Hayaan mo gagawa ako ng isang obra na puro kilig naman. Hehe. Ito kasing huling obra ko sobrang bigat. Take care :)
@--makki--:at talagang sumagot. Ok Siya sige sasagot din ako. Hahaha..indi..indi ka nagkakamali. Kung ano mang iniisip mo iyon na. Kc doon sa gmail mo bata ka tapos yung ngayon medyo tumaba ka.hehe..kamukha mo ngaun si Matteo Guidicelli (complement iyon!). Siya baka mamaya maging chatroom na ito.hehehe..
Walang anuman doon sa pagpapasalamat mo.
while reading this.... d ko mapigilan ang maluha.... na sa wakas nag kita din pala silang dalawa.... at gumaling na rin si oliver sa kanyang sakit.... kahit sa akin un mangyari baka mabaliw rin ako tulad ni oliver dahil sa mga dinanas nya sa kanyang buhay....talagang tinakda silang dalawa na maging magkasama sa habang buhay nila...ang daming pinagdaanan na unos ng buhay...dahil dito may aral na natutunan sa buhay...
salamat author sa magandang story mo...
ramy from qatar
@ramy from qatar:at talagang naluha!hehehe..salamat kahit papaano naappreciate niyo ang ending..hintayin niyo na lang ang susunod kong obra. May ideya na ako. At anytime na okay na ang utang ko ay magsisimula na akong gawin iyon.
God Bless!!
Itong kuwentong ito ang lakas maka-Bad Vibes. 3 Days na akong depressed dahil dito. Napaka-tragic kasi ung nangyari kay Oliver e. Galing ng plot. ^______^
@ jay: hindi po ako, nurse Assoc. HRM po ako. Medyo may pagka-wide-reader lang (di ko alam kung tama ang term ko). Aspiring cook ako sa baeko kaya naka-chef's uniform ako. :)
Lahat ng stories mo dito ay maganda ah. Ang sarap basahin lahat! :)
February 01, 2012 3:37 PM
correction: doon sa comment ko kay ramy from qatar - "UTAK" yun hindi "UTANG". hehehe..sorry.
@allendoggie: ganun..BV talaga? Wag naman...meditation lang ang katapat niyan at saka always SMILE. Para makaattract ka ng GV.
@Lyron:ah ok..hehehe...kala ko nurse ka rin eh..Kasi medyo mahina ako sa PSYCH subject namin noon.hehehe...baka kasi mamaya eh mali pala interpretation ko sa mga term na sinabi ko sa story.
Anyway Gudlak sa career mo.
Post a Comment