By: FUGI
Pauna:
Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga
magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging
bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa
based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga
magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang
istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?),
40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to
life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang
ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis
kumukontra pa kwento ko naman to ah! (hahahahaha).
Hindi ko maiksplika ang nararamdaman ko ngayong nakita ko ang kanyang mukha, parang bumilis ang pintig ng puso ko na parang hindi ako makahinga na parang wala akong marinig sa paligid ko na parang tumigil ang oras na parang sya lang ang nakikita ko (eto siguro ang tinatawag na LOVE at FIRST SIGHT!)
Hoy! Tsong (medyo napalakas na pagtawag nung misteryosong LALAKI)
Uy! (ang bigla kung nasambit sa pagkabigla)
Hindi ka pa ba aalis ? (pag-uulit nya sa tanong nya kanina)
Oo, hinihintay ko lang na makalabas mga kaklase natin (pagsagot ko sa kanya habang nakatingin parin ako sa kanya)
Wala na sila kanina pa lumabas, tara na sabay na tayo, sabi nung lalaki
Ah.. eh.. sige, ako nga pala si Fugi, Fugi Chio, pagpapakilala ko
Ian tsong, Ian Seth Sandoval, pagpapakilala nya
Sabay kami ni ian lumabas ng room, na ako ay wala parin sa sarili sa kadahilanang hindi parin humuhupa ang aking KAKAIBANG nararamdaman.
Hindi ko maintindihan ang ganitong pakiramdam, BAKIT ganito? BAKIT sa kanya? Imposibleng sya ang mamahalin ko dahil alam ko na lalaki ako at ganoon din sya. Ah! Ang gulo nito.. Sa aking pagmuni muning ito ay biglang nagsalita si ian...
Saan ang punta mo ngayon? Halos isang oras ang break natin (9:00am pa kasi sunod na subject namin na Remedial English, parang tutorial lang.. haha), pagtatanong ni Ian
Hindi ko alam, wala sa sarili kong sagot sa kanya
Gusto mo ba sumama sa akin sa Cafeteria?? wala kasi akong makakasama, wala parin kasi akong kakilala sa mga kaklase natin bukod sayo, paglalahad ni ian
O sige, tara, pagpayag ko.
Mabilis naman kami nakarating sa cafeteria dahil malapit lamang ito sa bldg kung san kami galing. Naghanap muna kami ng table para maibaba ang aming mga gamit at sabay na pumunta sa mga stalls ng mga pagkain matatagpuan sa loob ng cafeteria.
Ian: ano bibilhin mo??
Ako: ahm.... buko shake at pizza nalang (sabay turo sa stalls na bibilihan ko), ikaw ano sayo??
Ian: hindi kasi ako nagbreakfast, magheavy meal ako
Naghiwalay kami para sa kanya kanya naming bibilihin. Nauna ako makabalik sa kanya sa table namin at pagkaupo ko hinanap ko kung nasaan naroon ang kinaroroonan ni ian. Nakita ko nalang na naglalakad na siya papunta sa aming table, sa puntong ito may napansin ko ang kabuuan ng hitsura nya na sya namang nakapagpatulala sa akin.