Friday, August 19, 2011

SA ISANG IGLAP© CHAPTER 5 (Ako lagi na lang ako!)

Bago ang lahat. Salamat sa mga bumibisita kahit alam kong hindi kayo nagpaparamdam.Hehehe..Sana kahit man lang isa nagmamakaawa na ako sa inyo. Magcomment naman kayo. Hindi ko kasi alam kung itutuloy ko pa yung kwento. Hindi ko kasi alam kung nagagandahan kayo o napapangitan. Para ako lang kasi yung tao. Sensya na po. Nagdadrama lang. Anyway. Tama na muna yung kwento nina DM at EJ. Sisimulan ko na yung buhay ni EJ.Sana magustuhan niyo. Mahaba haba po itong istorya na ito. Thank you ulit sa mga sumusubaybay (kung meron man!)
*****************************************************************************************************
Umalis na siya ng unit ni DM. Nagtaxi na siya papuntang Sofitel. Pagkapasok niya ng hotel nakita niyang nakaupo na yung buong pamilya sa buffet area ng Sofitel.Bumeso siya sa Mama at Papa niya at niyakap niya ang Kuya Athan niya.

“Kuya,long time no see.”Galak na galak na sabi ni EJ.

“Oo nga eh..pano marami kasi akong ginagawa sa hospital.” Sabi ni Athan.

“Kahit naman kasi sa bahay ka nakatira hindi na tayo nag uusap. Nakaalis ka na pag umuwi ako.”Sabi ni EJ.

“Sensya na talaga..hayaan mo babawi ako sayo.”Ngiti sabi ni Athan.

“Ayos..Asahan ko yan kuya.” Ngiting sabi ni EJ.Sabay tapik ng balikat kay Athan.

“O sya,boys kumain na kayo dahil nagugutom na kami ng Papa nyo.”Bigla sabi ng Mama nila EJ at Athan.

Kumuha na sila ng sari-sariling mga pagkain at bumalik sa kani kanilang upuan.

“Athan, son, I'm so proud of your achievement” Proud na sabi ng Papa nila Athan at EJ.

“Pa,alam nyo naman na gagawin ko para magexcel sa larangan na pinasukan ko”May konting angas na sabi ni Athan.

“Alam ko naman yun..kaya nga ikaw yung paborito kong anak.”Sabi ng Papa ni Athan na halatang pinatatamaan nya si EJ.

“Pa..”Saway na sabi ni Athan

“Totoo naman yun,hindi ka kasi katulad ng isa dyan tingnan mo hanggang ngayon wala pa ring nararating.”Sarkastikong sabi ng Papa nila.

“Pa, wag kayo masyadong atat..darating din ako dyan.”Pabalang na sabi ni EJ. Habang seyorsong nakatingin sa Paa niya.

“Hay naku kung bakit naman kasi ang tigas tigas ng ulo mo.”Sabi ng Papa nila.”Kung kinuha mo yung posisyong inaalok sayo ng kaibigan ko eh d sana ok na.”Dugtong nya.

“Pa..di ba sabi ko gusto kong tumayo sa sariling paa.”Pagmamayabang na sabi ni EJ.

“Dyan ka magaling..o may napala kaba dyan sa pride mo.”Sarkastikong sabi ng Papa nya.

Hindi muna sya umimik dahil nasaktan siya masyado sa paratang ng Papa niya. Biglang bumuntong hininga siya.Alam din naman niyang tama yung Papa niya pero nangingibabaw pa rin sa kanya yung pride at prinsipyo niya.

“Pa..kahit kailan naman wala na akong ginawa sa inyo maganda.” Pabalang pero mahina na sabi ni EJ.

“Aba sumasagot ka na talaga..di muna ako ginalang.”Galit na tono ng Papa nya.

“Kung gusto nyo po galangin ko kayo matuto kayong rumespeto na kapwa nyo.”Pabalang na mahinang sabi ni EJ.Pero nakatitig sa Papa nya.

“EJ..sa mga barkada mo ba yan natutunan ang pagsagot sagot sa akin.”Galit pa rin yung tono ng boses ng Papa nya.

“O bakit naman pati barkada ko nasama.”Gulat na sabi ni EJ. Nagpupuyos na rin siya sa galit pero pinipigilan niya dahil nasa public place sila.

“Simula kasi ng nagkabarkada ka ganyan na ugali mo. Kaya nga hindi ako boto sa mga kaibigan mo.”Galit na sabi ng Papa niya.

“Pa at EJ tumigil na kayo...nakakahiya na.”Awat na sabi ni Athan.

“Pagsabihan mo yang kapatid mo.walang modo.Hindi ko alam kung saan sya nagmana.”Sarkastikong sabi ng Papa nya.

“Sori Kuya Athan..si Papa kasi ang nagsimula.Pati mga kaibigan ko na walang kamalay malay dinadamay.”Pabalang na sabi ni EJ habang nakatingin kay Athan.

“See..yan ba yung napag-aralan mo sa eskwelahan nyo..I doubt..your school is one of the best nursing school.”Sabi ng Papa nya. “Nakuha mo yan sa mga kaibigan mong mga mahihirap.”Dugtong nya.

“Pa..tumigil ka na..wala kang karapatan na pagsabihan yung mga kaibigan ko.Pinaghirapan nila yun.”Mahina pero pabalang na sabi ni EJ.

“Stop....it” Malakas na sabi i Athan.

Tumingin yung ibang mga guess sa hotel sa kanila. Nagpunta agad yung supervisor ng restaurant.Pagkasabi ni Athan na may konting di pagkakaunawaan lang dito umalis din ang supervisor. At panandaliang tumahik ang buong pamilya.

“Hindi na kayo nahiya at talagang dito pa kayo nag-away sa public place. Crazy.”Inis pero mahinang sabi ni Athan after umupo.Matapos kausapin yung supervisor.

“Pagsabihan mo kuya si Papa”Pabalang na sabi ni EJ habang nakatingin sa Papa niya

“EJ, stop it”Awat na sabi ng Mama nila.

“It’s not my fault..si Papa ang nagsimula. Pinagtatanggol ko lang yung sarili ko at mga kaibigan ko.”Nagpupuyos na ang galit ni EJ.Pero nananatili pa ring kalmado.

“Utang na loob EJ..ang yabang mo na wala ka pa naman nararating.”Galit pero mahinang sabi ng Papa nila.

“Will you please excuse me for a while.I need to go to wash room”Iwas na sabi ni EJ. Tumayo na siya.

Pagkaalis nya dun sa buffet area. Hinanap niya ang CR. Pagkakita sa CR. Dire diretsong pumasok at pumunta ng wash room.Humarap sa salamin.

“Ako na lang yung laging nakikita..parang wala naman ako nagawang tama sa kanya.”Sabi niya sa sarili niya habang nakatingin sa salamin.

“Letseng buhay na ito.Ako na wala ibang ginawa kundi ang maging masaya sila nila Mama. Pero ganun pa rin ang tingin sa akin ni Papa. Walang kwentang nilalang.” Nagsasalita kaharap ang sarili. Nagsisimula ng bumagsak yung luha. Naghilamos kaagad siya para mawala yung luha na umaagos na ng tuluyan.Humarap ulit sa salamin.Sabi ni EJ sa sarili.Sa isip niya:

Magaling si Kuya

Matalino si Kuya

Mabait si Kuya

Gwapo si Kuya

Maraming nagkakagusto kay Kuya

May ipagmamalaki na si Kuya

Pero lahat ng yan mawawala kay Kuya

Pag nalaman nila kung ano yung baho ni Kuya

Iningat ingatan ko yan Kuya

Ayoko masira kay Kuya

Takot ako kay Kuya

Mahal ko si Kuya

Si Kuya na handa ako ipagtanggol kahit kanino

Si Kuya na walang ginawang masama sa akin

Si Kuya na hinahangaan ko

Pero Kuya

Ba’t ka nagkaganyan?

Bakit Kuya?......

Kuya bakit?......

At tuluyan na nga siyang umiyak.............

4 comments:

jackcolin21 said...

ituloy mo lang maganda ang kwento mo lagi kong inaabangan ang update mo nito, tho ngayon lang ako nag comment. di ibig sabihin nun na di nagugustuhan ang binabasa ko, ang ganda kaya, pls. ituloy mo lang po.God bless n more power sayo

Unknown said...

@ jackcolin21 Tnx...

Tatapusin ko pa rin naman yung series na ito. Medyo matagal pa ito. Hindi pa nga ata ito nangangalahati.Hehehe..

Abang abang na lang ng susunod. Pag may tym aq naguupdate naman ako.

Anonymous said...

there was a bit of a drag at first... but here the story started to pick up... i expect twists and turns to happen...

keep on writing! nice one here...

:-)

R3b3L^+ion

Unknown said...

@Anonymous (8/31/11 18:41) Yup, i noticed that too..hehehe..

Don't worry i will try my best to put up more exciting twists and turns on my future chapter.

Tnx for ur comment.

ShareThis