Sunday, August 28, 2011

SA ISANG IGLAP© CHAPTER 9 (Di ko kaya!)

Bago po ang lahat nagpapasalamat ako sa inyo ng marami sa mga secret readers ko. Nakakataba ng puso po yung nakita kong pag-angat ng view ng page ko.Nung biyernes po kasi ay umabot ako ng 250+ samantala dati dati eh 100+ masaya na ako. Kaya lalo akong ginanahan. Although hindi ko rin maintidihan yung sarili ko kasi may agam agam ako minsan. Hindi ko talaga makita or mahagilap sa inyo kung talagang nagagandahan kayo kasi wala po kasing nagkokomento. Pero makita ko lang na maraming pumupunta sa blog ko masaya na ako. Hindi naman po kaila sa inyo na nagsisimula pa lang ako.Dati rin po akong reader sa mga blog.Kaya nainspire po akong gumawa ng sarili kong blog at kwento.Pagpasensyahan niyo na po ako. Natuwa lang kasi ako ng sobrang tumaas yung view ng blog ko. Mababaw man pero dito po ako masaya.Maraming salamat po ulit sa mga readers ng blog ko.Eto na po yung kasunod. Enjoy po!
*****************************************************************************************************
“Athan”Sigaw ng lalaking sa harapan ng pintuan ng restaurant.

Napatingin si Athan sa kinaroroonan ng tumawag sa kanyang pangalan. Hindi niya inaasahan na makikita pa niya yung lalaking una’t huling inibig niya.Pagkatapos ng 2 taong hindi pagpaparamdam nila sa isa't isa dulot ng sakit na naidulot ng lalaking tumawag sa pangalan niya.Nanlaki ang mata niya. Lahat ng tao nagtinginan na rin sa direksiyong kanyang tinitingnan.Mga matang nagtataka ang bumalot sa Pamilya Millares at pati rin sa mata ni Jessica.

“Hon,do you know him?”Tanong ni Jessica. Hindi sumagot si Athan na ngayon ay tulala na.

“Athan,son who is that man? Do you know him?”Ang turo ng Papa niya sa lalaki.Wala pa rin siyang imik.

Papalapit na ng papalapit sa kinaroroonan nila yung lalaking sumigaw sa pangalan ni Athan.

“Athan, baby..how are you?”Sabi ng lalaking kaharap na ngayon ni Athan. Hinawakan nito ang magkabiling pisngi at hinalikan siya sa labi. 

Lahat nagulat sa nasaksihan. Si Jessica hindi malaman kung anong gagawin bigla siyang nahimatay.Isang suntok ang bumungad sa lalaking humalik kay Athan.Natumba ito. Ang ibang guest ay biglang nagsitayuan para lumayo lalo na yung malapit sa kinaroroonan ng pangyayari. Ang ibang naman ay nagsimula ng umalis ng restaurant. 

“O EJ, yan ba ang iwewelcome mo sa asawa ng kapatid mo?”Yung lalaki pa rin.

“Gago ka..anong ginagawa mo dito.”Sigaw na sabi ni EJ. Nanlilisik ang mga mata.

“Sinong mas gago sa atin,Ha,EJ?”Sabi ng lalaki at sabay dura ng dugo na asa bibig niya dala ng pagkakasuntok ni EJ.Bigla napakunot ng noo si EJ.

“Anong pinagsasabi mo dyan?”Maang maangang sabi ni EJ.

“C'mon,EJ. Tell them the truth. Or gusto mong ako pa ang magsiwalat kung paano mo kami pinaikot ng kapatid mo. Ha,EJ?”Pagbabanta ng lalaki. Si EJ nanlaki ang mata at biglang kinabahan.

“Ha...alam mo wala akong alam sa sinasabi mo. Tumigil ka na.Umalis ka na”Maang maagang sabi ni EJ.

“Leche ka EJ. Akala ko sunod sunuran ka sa Papa mo. Yun pala may masama kang plano.”Sabi ng lalaki. Mas lalong kinabahan si EJ sa narinig niya.

“Hanggang ngayon hindi ka pa rin boto sa amin ng kapatid mo. Ginawa mo ang lahat para paghiwalayin kami. Ikaw ang sumira ng buhay namin.EJ”Pasigaw ng sabi ng lalaki. Nanlaki ang mata ni EJ.

“Minahal ko ang kapatid mo, wala akong ginawang masama sa kanya para ganituhin mo ako. Sinira mo ang buhay ko.Hindi ko alam na magagawa mo yun para amin ni Athan.”Yung lalaki parin. Si EJ kabado na ng oras na yun at si Athan ay nagsisimula ng maguluhan.

“Nung araw na bago ko pakasalan ng lihim ang kapatid mo alam kong alam mo na nakareceived ako ng tawag kung sino man yun,na dun sa hotel kami tutuloy para diretso na kami ng kuya mo bago ang Kasalan. Nung gabi na yun,ako ang unang nandun ng bigla may kumatok at binigay sa akin yung wine ng service boy ng hotel dahil binigay daw ni Athan at ininom ko yun,ang di ko alam may pampahilo na nakalagay dun. Saka pumasok yung lalaki na binayaran mo para magtalik kami. Ang masaklap pa nun vinideohan mo para masaksihan at para wala akong lusot. Nagising ako kinaumagahan walang saplot at walang Athan ang pumunta.Ngunit ang pagkakamali mo nakita kita sa hotel kasama ng lalaking katalik ko kagabi” Mahabang sabi ng lalaki.

“Pinadala mo yun after ng kasal namin para hiwalayan ako ng kuya mo. Pati sa boss ko binigay mo. Kaya’t nawalan ako ng kita. Namatay ang nanay ko dahil wala na akong pantustos sa kanya sa hospital. Siya na lang kasama ko sa buhay ko. Pero ano,pinatay mo siya,EJ.Wala kang kasing sama. Hindi ko na alam ang gagawin ko nun.”Nagsisimula ng umiyak yung lalaki.

“Pero hindi ako sumuko pinatunayan ko sa kapatid mo kung gaano ko siya kamahal. Hinanap ko yung lalaking binayaran mo at napaamin ko. Wala na akong ginawa kundi matuntun lang siya. Para patunayan na hindi ko pinagpalit ang kapatid mo kahit kanino.”Pagpapatuloy ng lalaki.Hindi na makaimik si EJ.

“Ngayon sabihin mo na nagsisinungaling ako, EJ.Patunayan mo na hindi ko minahal ang kapatid mo. Ginawa ko 'to para malinis pangalan ko. Nung kokomprontahin ko na yung Kuya mo tungkol dito nagkataon naman na andun ka at nakita mo ako. Pinagbantaan mo ako na papatayin mo yung Kuya Athan mo kung sasabihin ko yung totoo sa kanya. Natakot ako. Dahil alam ko kaya mong gawin yun. Pero ang hindi ko makayanan ang malaman na ikakasal na yung kapatid mo kay Jessica.Alam kong hindi niya mahal si Jessica.”Yung lalaki pa rin.

“Rinig na rinig ko ang pag uusap niyong dalawa ni Athan na yayain niya na si Jessica na pakasalan this week. Pumunta ako ulit sa pinagtratrabahuhan ni Athan dahil hindi ko na matiis na sabihin yung nalalaman ko. Ilalayo ko siya saiyo para hindi siya mapahamak. Pero hindi ako makakuha ng tiyempo hanggang sa nalaman ko na lang sa mga katrabaho niya na pupunta siya dito para sa promotion niya at para sa proposal niya. Kaya dumiretso ako dito.Hindi ko na sasayangin pa at itutuloy ko na yung  plano kong sabihin ang totoo.Di ko kayang mawala si Athan sa buhay ko”Patuloy pa rin ng lalaki.

“Gago ka...anong pinagsasabi mo.”Si EJ. Akmang susuntukin na yung lalaking nagsasalita ng may humawak sa kanyang kamao para pigilan ito.Humarap siya sa taong yun.

“Ku..ku..ya”Nauutal na sabi ni EJ.Si Athan galit na galit at umiiyak.

“Totoo ba yung sinabi ni Eric,EJ?”Tanong ni Athan kay EJ. Kalmado lang itong nagtanong.Wala imik si EJ.

“Totoo ba ito,EJ”Sumigaw na si Athan. Hindi kailanman sinigawan ni Athan si EJ. Kaya nabigla si EJ. At ngayon ay dahil sa takot ay napatango lang siya.

“All this year, naggagaguhan lang pala tayo. “Si Athan.”Ginago mo ako. Sinira mo rin buhay namin. Ng lahat ng tao sa pamilya.”Dugtong niya.

“Walanghiya ka.”Si Athan sabay na sinuntok si EJ sa mukha. Malakas ito kaya natumba si EJ.

“Ginawa ko lang ang lahat dahil yun ang tama”May pride na sabi ni EJ.

“Tama?..Tama rin bang panghimasukan mo ang buhay ko.Tama bang manira ng buhay ng iba para sa pansariling kapakanan.”Si Athan masamang nakatingin kay EJ.

“Kuya,ginawa ko ito hindi para akin,para sa pamilyang ito. Dahil ikaw lang ang bukambibig ng pamilya na ito.Wala sila nakikitang tama sa ginawa ko.Kung nalaman nila kung ano ka? Sa tingin mo ba magiging proud pa ba silang lahat lalo na si Papa? Makasarili ba ang tawag dun? Oo aaminin kong may mali ako dahil hindi ko alam na may masamang mangyayari sa nanay ni Eric. Dun lang ako may mali. Pero gusto ko itama ang lahat,Kuya”Si EJ. Nagsisimula na ring tumulo ang luha.

“Ano masaya ka na? Paano ako? Naging masaya ba ako? Ha, EJ..Ano EJ?"Pasigaw na sabi ni Athan.Hindi na umimik si EJ. Talo siya sa pagkakataon na ito . Nagdadatingan na yung staff at guard ng restaurant. Una nakipag usap yung supervisor.

“Excuse me po.Pasensya na po kasi nakakaabala na po tayo sa ibang customer. Natatakot na po sila.Baka pwedeng pag usapan niyo na lang ito sa ibang lugar.I hope you don’t mind”Sabi ng supervisor. Walang imik silang lahat.Medyo kinabahan yung supervisor ng isara ni Athan yung dalawang kamay niya at akmang manununtok na sa mga oras na iyon.

“Gago ka EJ...”Sigaw na sabi ni Athan at biglang niya hinatak si EJ at pinagsusuntok. Inaawat na siya ng mga staff at guard kasi nagwawala na siya. Ng mapaghiwalay na nila si Athan at si EJ. Napaatras at biglang napaupo si EJ. Umaagos ang dugo sa kanang kilay at labi ni EJ dala ng matinding pagsapak ni Athan.

“Siguro tama ka Kuya.Masyado lang kasi kitang sinamba. Hindi ko kakayanin na masira ang buhay mo ng dahil lang sa walang kwentang pag-ibig niyo ni Eric.Masama na ako.Ikaw naman ang laging bida sa pamilya. Kaya ginawa ko ito. Wala naman kayo nakitang maganda sa ginawa ko sa pamilyang ito.”Mahabang sabi ni EJ. Tumayo siya at dali daling tumakbo paalis ng restaurant. 

Di pa man siya nakakalayo sa may pintuan ng restaurant ay isang malakas na pagsigaw ang bumungad sa buong restaurant na nagpakaba sa kanya.

2 comments:

mark_roxas45 said...

hindi nag appear nung binuksan ko sorry naman

sana may kasunod agad

Unknown said...

Ang alin po ang hindi mabuksan?

@wait lang po ineedit ko pa po yung susunod na chapter.

ShareThis