Heto na naman po ang inyong lingkod at muling maglilitanya ng pagkahaba habang patalastas.Hahaha..
Gaya ng aking nabanggit sa huling pinaskil na akda. 3 beses sa isang linggo na lang ako magpapaskil. Pasensya na po kayo kung iyon ang napagdesisyunan ko. Dahil na rin sa mga tungkulin na dapat kong gawin. Pasensya na po. Ako na humihingi ng dispensa.
Ito rin po ay makakapagbigay daan sa akin para mapaganda lalo ang aking istorya. Asahan niyo po ang mga kapana-panabik na mga tagpo dito.
Magpapasalamt ako sa nagkomento sa huling akda ko. Si dada salamat at hindi ka bumitaw sa aking istorya. Hayaan mo lalo kang mapapaisip kung anong mangyayari sa magkapatid.Hahaha..
Salamat din sa mga silent readers ko. Sa inyo na wala sawang pumupunta sa aking blog. Salamat ng marami. Heto na po ang kasunod. Mahahati po ito sa limang bahagi.Pasensya na po kung mahaba. Alamin kung bakit. Enjoy!
*****************************************************************************************************
Sobrang hirap na siya sa kanyang sitwasyon pati mga kaibigan niya at kasintahan ay tinatakwil na siya. Hindi niya lubusang maintindihan ang nangyayari ngayon sa buhay niya.Na parang sa isang iglap ay ang saya saya pa niya pero ngayon sobrang pighati ang nararamdaman niya.
Tumayo siya sa kanyang kama at binuksan ang isang mamahaling bote ng wine na nakatago sa mini ref niya na malapit lang sa pinto kahilera ng kanyang home theater.
Pagbukas niya ay tinungga niya ito hanggang mangalahati. Ang iba ay lumalabas sa kanyang labi.Ng mangalahati ay pinunasan niya ang kanyang labi gamit ang kanyang braso.
Pumunta siya sa side table niya at binuksan ang kahon na naglalaman ng mga masasayang alalaala niya nung college siya. Nakita niya ang larawan ng unang nobya niya.At naglitanya siya.
Tumayo siya sa kanyang kama at binuksan ang isang mamahaling bote ng wine na nakatago sa mini ref niya na malapit lang sa pinto kahilera ng kanyang home theater.
Pagbukas niya ay tinungga niya ito hanggang mangalahati. Ang iba ay lumalabas sa kanyang labi.Ng mangalahati ay pinunasan niya ang kanyang labi gamit ang kanyang braso.
Pumunta siya sa side table niya at binuksan ang kahon na naglalaman ng mga masasayang alalaala niya nung college siya. Nakita niya ang larawan ng unang nobya niya.At naglitanya siya.
"Debbie,sorry sa nangyari sa atin. Sorry kung naging duwag ako. Sorry..sorry.Siguro kinakarma ako kaya ganito ang nangyari sa akin ngayon. Iniwan kitang may poot at galit na namayani sa akin. Pasensya na.Pasensya na..."Umiiyak na sabi ni EJ. Napayuko na lang siya.At bigla niyang naalala ang nakaraan niya.Ang nakaraan nila ni Debbie.
*Flashback*
Sa Pampanga si EJ dapat magtatapos ng kolehiyo after malaman ng father niya yung kabulastugan ng mga barkada niya nung kaarawan ni Melmar. Hindi nagustuhan ng magulang niya yung nangyari lalo na yung ama niya. Conscious sa grade kasi yung mga magulang niya lalong lalo na yung ama niya.
Sa graduation ceremony kasi habang nagkwekwentuhan sila ng mga barkada niya hindi naiwasan na pag usapan yung topic nung nasa bar sila. Tamang tama nun ay paparating na sa likod nila yung ama ni EJ.Walang kamalay malay yung lima na nakikinig na ang ama ni EJ sa likod nila.
Nang malaman niya yung nangyari sinigawan niya si EJ sa harap ng mga barkada na nagpahiya kay EJ. Nagbitiw ng mga hindi kanais nais na mga salita yung ama ni EJ na lalo nagpabugso ng hinanakit niya sa ama niya. Nang makauwi na sila napagpasyahan nila na ilipat sa probinsiya sa Pampanga si EJ para dun magkolehiyo. Wala na siyang nagawa.Tutol man pero dahil sa sila pa yung tumutustos ng tuition niya ay susundin niya tutal apat na taon na lang naman yun at pag natapos na siya ay siya naman ang masusunod. Kaya nga naging matigas yung katwiran niya sa buhay. Dala na rin ng hindi magandang pangyayari sa buhay niya at hinanakit sa ama niya.
Hindi lingid sa kaalaman ng magulang niya na kahit na andun siya ay hindi na gagawa ng kabulastugan si EJ. Hindi kasi pwede magkaroon ng kasintahan si EJ pagtunton niya ng college at bumarkada sa mga mahihirap at walang class na estudyante para raw hindi siya maligaw ng landas.Kailangan niya ay pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaral.
Nagkaroon siya ng unang kasintahan sa katauhan ni Debbie. Maganda, Sexy, Mahaba ang buhok,Matalino at higit sa lahat apple of the eye sa Nursing Department.Si EJ ay talaga naman iba na ang hubog ng katawan.Mas lalo na ito kaakit akit at talaga naman habulin na ng mga babae at mga binabae.
Unang araw palang talaga ay attracted na sila sa isa’t isa. Kaya nga ng niligawan siya ni EJ wala pa atang 2 araw ay napasagot na niya si Debbie. Nagtatagal sila sa paaralan para na rin makapagsarili sila. Malapit iyon sa maraming puno sa likod ng building nila.
Naghaharutan at sobrang walang pakundangan kung maglampungan. Since bawal sa bahay nila EJ ang babae kaya laging gabi na umuwi si EJ at pinapagalitan ng tita at tito niya tuwing gagabihin at walang paalam. Isang araw pagkatapos ng klase nila tumambay ulit sila ni Debbie at dating gawi walang humpay na harutan.
Tsup...Tsup..Tsup..Tsup..Tsup
“Nakikiliti ako,Corn”Malanding sabi ni Debbie.”Wag dyan sa leeg”Dugtong niya.
“Ano ka ba Sweet nanggigil kasi ako sa iyo”Sabik na sabi ni EJ. Pababa ng pababa yung halik hanggang sa mapadako sa cleavage ni Debbie yung halik.
“Ahhhh...ummmppp...ahhhh...”Ungol ni Debbie.Natigil sila sa harutan nila na may sumigaw sa likod nila.
“Enrique James”Galit na sigaw ng lalaki sa likod nila.Napatingin silang pareho para tingnan kung sino yung sumigaw pero si EJ nanlaki yung mata at kahit na malamig ay parang pinagpapawisan.
“Pa...pa”Nauutal na sabi ni EJ.Napatayo siya. Sumunod si Debbie.
“Papa mo siya EJ”Gulat na sabi ni Debbie pero bigla ngumiti siya.Tumango lang si EJ.”Hello po ako..”Hindi na natuloy na sabi ni Debbie dahil nagsalita na yung ama ni EJ.
“Eto ba ang pinaggagawa mo sa buhay mo”Galit at pasigaw na sabi ng Papa ni EJ.
“Kaya pala gabi gabi ka kung umuwi sabi ng tita at tito mo”Galit pa ring sabi ng Papa niya.
“Siya ba yung kinakalantari mo?”Tanong ng Papa ni EJ. Tumango lang si EJ at napayuko.Tumingin yung Papa ni EJ kay Debbie ng masama at nagsalita.
“Hindi ko pinalaki ang anak ko para kumerengkeng kung kani kanino”Sabi ng Papa ni EJ kay Debbie. Si Debbie halatang naiinis na sa mga pasaring ng Papa ni EJ. Gusto na niyang umiiyak pero pinigilan niya.
“Iha, maganda ka pero hindi bagay sayo yung anak ko. Mas marami pang bagay na pwedeng pag aksayahan ang anak ko at hindi ka nababagay sa uri niya.”Sarkastikong sabi ng Papa ni EJ. Si EJ tahimik pa rin at wala imik.Habang si Debbie ay gulat na gulat at nagsisimula ng lumuha.
“At ikaw EJ...kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo dito mas mabuti pang nagpaiwan ako para tumino ka”Sabi pa rin ng Papa ni EJ.
“Ngayon nahihiya ka sa mga kagaguhan mong pinaggagawa at hindi ka makapagsalita dyan...Ha EJ?”Tanong ng Papa niya.
“Pa....so...sorry po”Nauutal at nahihiyang sabi ni EJ.
“Sorry, yan lang ba yung magagawa mo?”Pasigaw na tanong ng Papa niya.
“Sorry po”Mahinang sabi ni EJ.Pero nakayuko pa rin.
“Pwes ihanda mo na yung sarili mo dahil babalik ka sa Maynila sa susunod na semester at dun ka magpapatuloy mag aral...naiintindihan mo?”Galit at pasigaw na sabi ng Papa ni EJ.
“O...o...po”Nauutal pa rin sabi ni EJ.
“At kaw iha...humiwalay ka na kay EJ. Hindi ang isang katulad mo ang pinangarap ko para sa aking anak”Sabi nito kay Debbie. Umiiyak na nung mga oras na yun. Si EJ ayun nakayuko pa rin.
“Tara na EJ..Umuwi na tayo.”Aya ng Papa ni EJ.Si Debbie ay umiiyak at humahagulgol na.
“Pero Pa...”Angal ni EJ.
“Walang pero pero..uuwi tau sa ayaw at sa gusto mo”Galit na sabi ng Papa niya.
Wala magawa si EJ ng mga oras na iyon. Gusto man niyan aluhin ang kasintahan pero nanaig sa kanya ang takot. Takot na baka hindi na siya makapag aral at tuluyan ng mapariwara ang buhay.
Dahan dahan siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ng Papa niya. Pinaunang siyang pasakayin sa sasakyan. Lumingon muna siya saglit para tingnan si Debbie.At sumakay pagkatapos.
Habang nasa sasakyan. Hindi lubos maisip ni EJ kung bakit hinayaan niyang sumbatan ang kasintahan niya. Sobrang siyang nahihiya sa nagawa niya. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Tumingin na lang siya sa bintana para hindi mahalata ng Papa niya ang dinaramdam niya.
Simula ng mangyari ang insidente. Tuloy tuloy pa rin naman ang pagpasok niya sa eskwelahan. Hindi na ganun kasigla ang pag aaral niya. Kahit nakikita niya ang kasintahan niya. Nagiisanaban na lang sila.Lumipas ang mga buwan at talaga hindi na nag uusap sila EJ at Debbie. Matapos ang semester ay uuwi na si EJ sa Manila at dun siya magpapatuloy ng pag-aaral.
Nang matapos yung semester ay inasikaso na ni EJ yung mga requirements niya. Nagkita sila ni Debbie sa hallway.Ito na yung time ni EJ para magsorry sa lahat ng mga nagawa niya at ng Papa niya.Kakausapin sana niya si Debbie ng may sumalubong sa kanyang mukha.
*Plak*Plak*
Dalawang magkasunod na sampal ang sumalubong kay EJ.
“Ikaw ang walang kwentang taong nakilala ko”Galit na pasigaw ni Debbie at umalis na humagulgol siya sa Harap ni EJ. Si EJ Tulala at hawak hawak ng mga kamay niya ang magkabilang mukha niya na nasampal.Umuwi na lang siyang nagdaramdam.
Nagiimpake na siya ng gamit niya pauwi ng Manila. Naiisip pa rin niya yung nangyari kanina sa paaralan nila. Tiningnan niya yung oras alas 4 ng hapon palang. Nagpaalam siya sa Papa niya at Tito at Tita niya na pupunta ng SM dahil may bibilhin lang na pasalubong. Yun yung alibi niya para mapayagan siya. Ang totoo ay bibili siya ng teddy bear na may “I’m Sorry” na nakalagay at sulat para kay Debbie. At ng mabili niya yung kailangan niya ay nagsulat siya sa foodcourt kahit maingay ay natapos naman niya.
Pumunta na siya sa bahay nila Debbie. Yung kapatid na batang lalaki yung nakita niya sa labas ng bahay nila Debbie. Binigay niya ito sa kapatid ni Debbie at tuluyan ng umalis. Ng makita ni Debbie yung kapatid niya na may dalang teddy bear at sulat tinanong niya ito kung kanino ito galing pagkasabi na pagkasabi ng kapatid ni Debbie ang pangalan ni EJ ay kinuha niya ito at pumasok ng kuwarto niya. Binasa niya ito.
Habang si EJ ay sakay ng sasakyan nilang maghahatid pabalik ng Maynila.Nakatingin lang ito sa labas ng bintana.Sobrang sakit ng nararamdaman niya habang papalayo siya ng papalayo sa lugar kung saan siya unang umibig at nasaktan.Isang makabagdamdaming kanta ang lalong nagpabigat sa kanya.
“Sweet”,
Alam ko napakalaki ng nagawa kong pagkakamali sa iyo. Hindi ko inaashan na dito tayo matatapos. Alam kong nasaktan kita ng sobra sobra. Hindi man lang kita naipaglaban sa Papa ko. Alam ko napasakit ng mga binitiwang salita ng Papa ko saiyo. Ako na yung humihingi sa iyo na kapatawaran sa inasal ni Papa.
Batid ko na kahit ilang beses akong humingi sa iyo ng sorry ay kulang pa sa mga nagawa kong pagkakamali. Tinatry kong lumapit sa iyo para humingi ng tawad. Ngunit sadyang umiiwas ka sa akin. Hindi ko na rin magawang lumapit saiyo dala ng kahihiyan. Kahit yung mga kaibigan mo ayaw nila akong tulungan. Iniinda ko yung mga salitang binibitawan nila sa akin kahit yung iba nating mga kaklase. Alam kong napakaduwag kong tao .
Hindi ako ang nararapat na taong mahalin mo habang buhay. Isang walang kwentang nilalang na iyong nakita at nakilala. Kahit ilang beses mo akong sampalin ay okay lang. Kung ito ang makakapagpalubag at makakapagpatawad sa iyo gagawin ko. Hindi ko kasi kakayanin na hindi mo ako kibuin o kausapin man lang.
Sa ngayon habang binabasa mo itong sulat ko ako ay bumibyahe na papuntang Manila.Hindi ko na inaantay pang mapatawad mo ako sa ngayon. Dadalhin ko sa aking pagtanda yung mga magagandang alaala natin. Hindi man tayo nagkaayos. Balang araw sisiguraduhin ko sa iyo na hahanapin kita at ako’y humihiling na mapatawad mo. Aantayin ko yun kahit na gaano pa katagal.
Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita.
Your Corn,
“EJ” Millares
Hindi na napigilan pa ni Debbie ang umiyak. Mahal pa rin niya si EJ. Pero alam niyang itong pakikipaghiwalay nila ang siyang makakabuti hindi lang para sa sarili niya kundi para na rin sa kanilang dalawa.
2 comments:
Wew kakalungkot naman yun...i wonder kung magkikita p sila ni debbie hehe....muhkang full of flashbacks ang mga susunod n chapters....nc one author!...(*_-)
@dada..salamat talaga at bumibisita ka dito.Hehehe..anyway kelangan yan sa kwento..bakit?...alamin
Post a Comment