Heto na naman po ang inyong lingkod. Nagbibigay ng konting patalastas.
Nagpapasalamat ako kina Dada at sa bagong reader ko na si Marc. Salamat talaga sa inyong mga nagkokomento. Buti naman at nakakarelate kayo dun sa huling kong pinaskil.Gustong gusto ko kasi ang Slamdunk.
Pasensya na pala kung medyo natagalan.Marami lang kasi akong ginagawa. Heto na po ang susunod na kabanata. Enjoy.
*****************************************************************************************************
Pinunasan niya ang tumulong luha ng maalala niya ang simula nilang apat. Nagsimula sa dalawa hanggang maging apat.
Tuwang tuwa siya kasi kahit papaano ito na ang pinakamatatag na samahan nila. Dumarating ang di pagkakaunawaan sa kanila pero naaayos naman nila.
Tinungga niya ulit ang alak na iniinom niya. Sabay ng pagpahid ng natapon sa labi niya gamit ang braso niya. Unti unti ng umeepekto ang alak sa katawan niya.
Yun naman ang gusto niyang mangyari para kahit paano ay mawala ang hapdi at kirot ng puso at isipan niya. Na kahit man lang sa ganoon na bagay ay mawala ang alalahanin niya.
"Hindi ko na kaya...ayoko na..."Medyo may kalakasan na pagsabi niya. Sabay ng pagtulo ng luha niya ulit at pagbalik sa nakaraan.
*Flashback*
Napatingin naman yung dalawa kung saan nanggaling ang mga boses. Bumitaw si EJ sa pagkakayakap kay Natasha at si Natasha ay pinunasan niya ang luha dumaloy sa mukha gamit yung panyo niya at tumingin din ng diretso sa kinaroroonan ng mga boses na sumigaw.
Gulat silang dalawa ng makitang galit na galit sina AJ at JM kung makatingin. Walang ano ano bigla sinugod ni JM si EJ,kiniwelyuhan,pinatayo at sinuntok si EJ at natumba. Susugurin sana ulit ni JM si EJ Ngunit humarang si Natasha.
“Ano? Pagtatanggol mo pa yang ahas na yan?”Galit na pasigaw ni JM kay Natasha. Mata’y nanlalaki.
“Hindi mo naman alam yung nangyari eh.”Sigaw rin na sabi ni Natasha kay JM.
“Hindi pa ba malinaw yan..harap harapan mo akong niloloko..”Galit na sabi ni JM.
”Pucha naman oh...kaibigan ko pa ang tinalo mo..alam ko naman na may lihim kang pagtingin kay EJ pero bakit ha...bakit ginanito mo ako Natasha”Dugtong Pasigaw na sabi ni JM kay Natasha.
“Sorry”Sabi na lang ni Natasha hindi na makatingin kay JM at umiiyak na rin.
“Sorry..sorry...pinamukha mo lang sa akin talaga na wala ako karapatan dyan sa puso mo”Pasigaw na sabi ni JM kay Natasha.
“Hindi ko sinasadya”Sabi ulit ni Natasha.Nakahawak na sa mukha yung dalawa kamay para pigilan ang luhan dumadaloy pero sadyang hindi mapigilan.
“Pucha...hindi sinasadya..eto na oh nagawa mo na..sige magsama kayong dalawa.Mga ahas.”Pasigaw na sabi ni JM kina Natasha at EJ.Sabay takbo habang pinapahid yung luha nagbabadyang tumulo.
Sina AJ,EJ at Natasha ang naiwan na sa isang banda. Tulala pareho at walang mga reaksyon sa mga nangyari meron na rin mga nakiusyoso sa kanilang mga estudyante. Tumayo si EJ at pumunta kay Natasha para alalayan at punusan yung luha. Binigay niya yung panyo niya kay Natasha.Habang si AJ ay tulala at nakatayo sa dalawa. Napatingin naman si Natasha kay AJ. Nung tumayo ay nilapitan niya si AJ.
*PLAK*
Isang sampal ang pinakawalan ni AJ kay Natasha. Bigla napatayo si EJ at hinawakan yung balikat ni Natasha para alalayan.
“Friend..hindi ko akalain...all this while i thought your a friend,bestfriend pa naman kita..pero ano ito”Mahinahon pero pagalit na sabi ni AJ kay Natasha.Umiiyak lang si Natasha.
“Kaya pala...hindi ka makasagot sa tanong kong dati kung ok lang sa iyo kung magiging akin si EJ dahil may gusto ka sa kanya..ha?Tama ba?Tama ba yung narinig ko?”Pasigaw na sabi ni AJ kay Natasha.
“Sorry ayoko lang masira yung friendship natin.”Naiiyak na sabi ni Natasha.
*PLAK*
“Magsama kayo..mga ahas”Sigaw ni AJ kasabay ng sampal at patakbong umalis. Umiiyak na lang si Natasha habang inalalayan siya ni EJ hagod hagod yung likod para tumahan.
Simula nung mangyaring yung eksena. Si Natasha pumapasok ng mugto yung mga mata. Wala araw na yata na hindi siya umuuwing luhaan. Paano tinatry nyang makipag usap pareho kina AJ at JM pero lagi siyang bigo. Kung hindi pinapansin ay pinapahiya sa maraming tao. Walang lugar siya na hindi pinapahiya ang pinakamasaklap ay nung nagkita sila sa Mall ni AJ.
Pagkaalis niya kasi sa school dumiretso siya sa Mall na malapit sa school at nagkataon na nagkita sila sa loob ng National Bookstore. Naunang pumasok si Natasha at habang tumitingin sa mga magazine napuna niya na may katabi siya na pareho yung suot nila. Napatingin siya sa katabi niya at hindi nila inaasahan na magkikita sila. Hinawakan niya sa siko si AJ. Pero nilayo ni AJ ay siko at ng tatangkain niyang hawakan ulit si AJ sa siko nagsisigaw ito ng:
“Bitawan mo ako..do i know you?”Pasigaw na sabi niya.Napansin niya yung guard napatingin sa kinaroroonan nila.
“Guard..Guard..palabasin niyo nga yang babae na yan hinahawakan ako hindi ko nga siya kilala.Baka kung anong gawin nyan sa akin”Dugtong niya. At dali daling lumapit yung guard at pero hindi pa nakakalapit sa kanila ay lumabas na lang si Natasha para hindi na lumaki yung gulo.
Grabe yung mga nangyayari sa kanya. Minsan sinisisi niya yung sarili niya at bakit ba naging ganito. Tinangka niyang lasunin yung sarili niya kaso hindi natuloy dahil may tumawag sa cellphone niya,si EJ.
“Sorry ha,,kung naistorbo kita,pwede bang mag usap tayo ulit kahit sa huling pagkakataon”Sabi ni EJ kay Natasha.
“Ah..eh cge bukas magkita tayo.”Mahinahon na sabi ni Natasha.At binaba na yung cellphone.
Kinabukasan nagkita sila sa may likod ng building nila para makapag usap.Natahimik sila saglit at hindi na makatiis na sobrang katahimikan ay binasag ni EJ yun sa pamamagitan ng pagsasalita.
“Alam ko nahihirapan ka na sa sitwasyon ngayon. Nalagay sa alanganin yung pagkakaibigan natin lalo na sa mga bestfriend natin. Kung dahil lang sa pagmamahalan natin ay mawawasak lang ito mas pipiliin ko pa ang ikubli yung pagmamahal ko para walang madamay. Hindi ko sinasadya. Sana mapatawad mo ako.”Sabi ni EJ.
“Alam mo wala na rin naman tayong magagawa nangyari na ang nangyari. Tinatry ko na maayos ang lahat pero sarado sila. Ayaw nilang makipag usap. Siguro nga masyadong nasaktan sila.Ang hirap ng ganito. Ayokong ipilit yung sarili ko. Siguro nga hindi talaga kami para sa isa’t isa ni JM. Pero ginawa ko ang lahat para sumaya siya. Isang pagkakamali lang yung nagawa ko ay yung ipagtapat ko sa iyo yung nararamdaman ko. Pero minahal ko rin naman siya. Ba’t ba ayaw niyang maniwala. Diyosko kung ganito lang mas gugustuhin ko pang mamatay na lang para hindi na maramdaman yung sakit.”Mahabang sabi ni Natasha at tuluyan ng umiyak. Napayakap siya kay EJ.
“Shhh..tahan na. Hayaan na muna natin ito. Lilipas din yan at mapapatawad din nila tayo.”Pangungumbinsi ni EJ kay Natasha. At kumalas sa pagkakayakap at binigay yung panyo kay Natasha. Sa hindi kalayuan. Nakita at narinig nila AJ at JM ang mga nangyari. Si AJ umalis na umiiyak at si JM nagpunta sa banyo para maghilamos. Pilit niya kinukubli ang namumuong luha.
Lumipas ang ilang araw simula ng mag usap sila EJ at Natasha sila na lagi ang nag uusap since si AJ at JM ay tuluyan na nga hindi sila kinakausap. Masakit man pero hinahayaan nila. Nangako sila sa sarili nila na pag OK na ang lahat sisimulan ng ligawan ni EJ si Natasha at si Natasha ganun din hahayaan na niya yung sarili niya na mahalin yung tunay na tao para sa kanya.
Hindi man nila ito napag uusapan alam nila EJ at Natasha na matatapos din ito yun nga lang hindi nila alam kung kelan. At kung tama pag maghintay pa sila. Pero para na rin sa pagkakaibigan nilang lahat ginawa nila ito.
Isang araw Biyernes yun ng umaga.Maagang pumasok si EJ dahil nakaligtaan nitong gawin yung reserach niya na kailangang ipasa ngayon araw. Ngarag siyang pumasok ng library dahil sa pagmamadali. Buti na lang may 4 na oras pa para sa klase nila. Naghahanap siya ng libro tungkol sa “ADOLESCENT Stage” pumunta siya sa sulok ng library kasi dun nakahanay yung libro para sa Fundamental of Nursing.
Nakaharap siya sa may bintana ng library ng hindi niya namalayan na may tao sa likod niya. Ng magsalita ng “Excuse me” yung lalaki napatingin siya sa likod niya at nabigla sa nakita. Si JM kaharap niya. Pero hindi naman ito tipong galit nung tiningnan niya. Wala ngang reaksyon.Nagulat din ito pero bigla na lang naging blanko ang reaksyon ng mukha.
Hindi mo maisip kung ano yung iniisip niya. Kung galit ba or masaya. Wala ka kasing makikita na kahit na ano sa kanya. Natahimik silang dalawa kumbaga naninimbang kung sino ang magsasalita. Since walang nagsalita si JM na yung unang nagbasag ng katahimikan.
“Excuse lang may kukunin ako” Mahinahong sabi ni JM
Tumabi ng konti si EJ para makapasok dun sa shelf ng libro para kunin yung sadya.Hindi niya inaasahan na dun siya pupuwesto malapit sa kanya. Pareho sila ngayon nakaharap sa bintana.
Kung si JM nagbabasa si EJ kahit na nakatingin ay nakikiramdam halos maging tuod na ito.Ang sumunod na pangyayari ang magbabago sa takbo ng buhay Pag-ibig niya.
“EJ?”Pasimula ni JM. Walang response si EJ.Nakatulala pa rin. Humarap si JM kay EJ.
“I..indi ko alam kung paano ko sisimulan ito”Nautal na sabi ni JM.
“Pwede pa bang maging Kaibigan mo?”Tanong ni JM.Bigla tingin naman ni EJ kay JM.Pero hindi pa rin nagsasalita.
“Pwede ba magsalita ka naman?Para akong tanga dito.”Medyo naiinis na sabi ni JM. Hinawakan nito ang kanang balikat. At nagsalita ulit.”Pwede ba tayong maging magkaibigan ulit” Tanong ulit ni JM kay EJ.
Tumango na lang ito at tumalikod. Hindi niya kasi inaakala na ganito kabilis yung pag aayos. Medyo nangingilid na yung luha niya ng bigla yumakap si JM kay EJ.
“Pasensya ka na kung naging makasarili ako. Hindi ko man lang iniisip yung nararamdaman mo nun. Nagkamali akp. Pero alam ko ng mas mahal ka ni Natasha kaya pinapalaya ko na siya kahit hindi naman kami. Basta wag mo siyang sasaktan ha. Dahil oras na pinaiyak mo siya. Makikita mo lang”Mahabang sabi ni JM na may banta sa huli para kay EJ.
“Gago ka Bes pinaiiyak mo naman ako eh. Drama moh”Sabi ni EJ at humarap kay JM sabay batok. Nagtawanan ang magbestfriend. Tanda na tapos na ang masalimoot na buhay pagkakaibigan nila.Bagong simula na ulit.
Simula ng magkabati sila. Nagsimula sila ulit sa umpisa. Lagi silang magkasama sa lahat ng lakad. Minsan nakikitulog na rin siya sa bahay ni JM at ganun din si EJ.
Napagusapan na rin nilang dalawa na okay lang kung liligawan ni EJ si Natasha.Handa na siyang magparaya. Alam naman niya na hindi niya mapipilit yung tao na mahalin siya. Alam niyang masakit pero kakayanin niya alang alang sa kaibigan.
Sinimulan na nga manligaw ni EJ kay Natasha. Sa una nagsabi na ito na hindi pa siya handa. Pero dahil pursigido ito ay napapayag na rin naman siya na buksan muli ang puso niya. Kinausap na rin naman siya ni JM na didistansiya na siya sa kaibigan. Hayaan naman niya muna iparamdam ni EJ kung gaano kamahal siya nito.
Nagsimula siyang pagbibigay ng isang rosas araw araw na may kasamang isang sulat.Sulat ng pagmamahal niya kay Natasha. Ginagawa niya ito bago magklase,sa kalagitnaan ng klase at sa pagtatapos ng klase. O kaya minsan naman pag kumakain sila pag break nila or lunch.
Inuutusan niya iba’t ibang estudyante,minsan mga Janitor at Janitress, mga nagtratrabaho sa canteen,guard at minsan mismong mga guro niya. Tumagal din iyon ng ilang buwan. Pero ganun pa rin pursigido pa rin siya na makuha ang sagot ni Natasha.Kaya naghanda siya ng isang sorpresa niya na mas lalong magbibigay ng pag asa na mapasagot siya ni Natasha.
Ang sorpresang ibibigay ni EJ kay Natasha ay lalong naging sorpresa para sa kanilang lahat.
2 comments:
Ayt binitin pa ni author....adik mo hehehe....until next update!..(*_-)
aii ngkaayos na cla :D aus!!
2 araw plang ako nagbabasa dito at natutuwa naman ako sa mga nababasa ko... tuloy ko nlang pagbabasa mamaya :)
Post a Comment