Heto na naman po ulit ang inyong lingkod.Konting patalastas lang po. Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat.Hindi ko man kayo maramdaman alam kong andyan pa rin kayo na nakaantabay sa blog ko.Kayo ang inspirasyon ko sa pagsusulat. Hindi man perpekto ang akda ko pero ginagawa ko ang lahat para mapaganda ang kwentong aking nasimulan. Ito kasi ang nagsisilbing isang solusyon ko para maibahagi sa inyo ang minsang pinangarap ko sa aking buhay.
Ngunit ito'y mananatiling pangarap na lang sa aking buhay.Alam ko kasi sa sarili ko kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko.Gusto ko pa rin ng normal na buhay. Dito ako masaya at dito ko nakikita ang sarili ko.
Salamat sa inyong walang sawang pagsubaybay.Hanggang sa muli.Heto na po ang kasunod. Enjoy!
*****************************************************************************************************
Matapos ang araw ng pag uusap nila EJ at Jessica. Wala na siyang narinig dito.Hindi na rin nagpumilit si Jessica na humingi ng tulong kay EJ.Siya na ang gumagawa ng paraan para mapalapit kay Athan.Si DM ay lagi rin bumibisita.Tumatambay. Pareho pa kasi silang walang trabaho.
Walang araw na hindi pumupunta sa bahay si Jessica hindi para kumbinsihin si EJ kundi para makita si Athan. Nakikita naman ni EJ ang pagsisikap na makuha ang loob ng Kuya Athan niya.Nakikita naman niya mukhang gumagana naman. Ang hindi nga lang talaga maganda ay si Eric. Lagi andyan din para sa kanyang Kuya Athan. Sa gabi nga lang ito pumupunta kasi ayaw niya ring magtagpo ang landas nila ni Jessica.Pero parang may mali sa nakikita niya sa Kuya Athan niya. Hindi niya malaman pero parang hindi ito natutuwa kahit alam mong masaya naman siya sa nangyayari. Para may kakaiba.
Pag wala ng bisita sa bahay ang Kuya niya ay siya namang punta nito sa mini bar nila.Umiinon ito.Nakikita niya na may dinaramdam siya.Gusto man niyang samahan ito pero batid pa rin niyang galit ito sa kanya. Kahit nagbago na ito sa kanya hinding hindi pa rin nagbabago ang paghanga niya rito. Siya pa rin ang iniidolo niya. Sana maibalik pa niya ang dating samahan nila. Napabuntong hininga na lang siya sa kanyang naiisip.
Minsan nakikita niya rin ang Mama niya na lagi nasa opisina ng Papa nila. Nakikita niya na lagi niyang hinahalikan ang litrato ng Papa nila. Umiiyak.Nakikita niya ito lagi. Araw araw pa.Awang awa siya sa tuwing nakikita niya ang Mama niya.Sinisisi ang kahangalang ginawa niya sa pamilya.Hindi sana hahantong sa ganito ang lahat kung hindi siya nagmarunong.Umiiyak siya habang nakikitang nahihirapan ang Mama niya sa ganoong kalagayan.
Ang hirap ng walang amang tumitingin sa inyo.Nasanay na silang laging nangingialam ang Papa nila sa lahat ng bagay.Ngayon lang niya naintindihan ang lahat ng ginagawa ng Papa nila ay para sa kanila rin. Kung bakit ba siya nagrebelde sana hindi nangyari ito sa Papa nila.Sobrang panghihinayang na kahit kailan hindi niya naipakita kung gaano niya kamahal ang Papa niya.Sobrang sakit kasi kahit sa kahuli hulihang pagkakataon sakit ang naidulot niya sa Papa niya. Hindi niya napigilang umiiyak ng maalala niya ang lahat lahat ng bagay ng nabubuhay pa ang Papa nila.
Dali dali siyang umakyat ng kuwarto ng marinig niyang papalabas ang Mama niya galing ng opisina ng Papa nila.Doon niya binuhos ang lahat ng sama ng loob,hinanakit niya at panghihinayang.Kung maibabalik lang niya ang buhay ng Papa niya gagawin niya ang lahat para lang maging masaya ito. Gusto niyang mayakap at mahalikan man lang ito na hindi niya nagawa ng buhay pa ito.
Nasa ganoong sitwasyon siya ng may kumatok sa pintuan ng kuwarto niya. Si Manang Flor may tumawatag daw sa kanya. Alas 11 na ng gabi iyon.Kaya nagtataka siya kung bakit may tumawag ng ganoong oras. Ayaw man niyang sagutin ito pero parang may kung anong hangin ang nagdala at kailangan niyang sagutin ito.
"Hello?"Bati ni EJ sa tumawag.
"Kamusta na?"Sagot ng kabilang linya.
"Letse naman oh..ikaw lang pala.Eh kagagaling mo lang dito ha.Wag mo nga akong gaguhin.Anong bang kailangan mo sa akin ha,DM?"Iritableng sabi ni EJ kay DM.Sino ba naman kasi matinong tao ang tatawag ng ganoong oras at kakapunta lang din niya kani kanina.
"Relax..OA ka naman..namiss lang kaya kita."Pang aasar pa lalo ni DM kay EJ.
"Umayos ka nga.Kung yan lang din naman ang sadya mo ay matutulog na ako.Walang kwenta."Galit na sabi ni EJ.Akmang ibababa na niya ang telepono ng bigla nagsalita si DM.
"Sorry na..ito naman hindi na mabiro"Seryosong sabi ni DM.
"Pwes hindi maganda.Saka ano ba?Inaantok na rin ako.Baka naman pwedeng matulog.Kasi anong oras na?"Medyo sarkastikong sabi ni EJ.
"Sorry na nga..Smile ka na dyan.Hindi na po uulitin"Paawang sabi ni DM.
"Ok..sige anong pakay mo?'Sabi na lang ni EJ.
"Nag usap na ba kayo ng Kuya mo?"Tanong bigla ni DM.
"Hindi pa..Di ba alam mo namang galit pa rin iyon sa akin. Bakit mo naman natanong?"Sagot ni EJ.
"Wala lang"Sabi ni DM.
"Hay yun lang naman pala sasabihin.E di sana tinanong mo ako bago ka umuwi.Hay naku ikaw talaga"Nasabi na lang ni EJ.
"Kasi..."Bigla sabi ni DM pero napahinto siya.Marahil hindi niya pa kayang sabihin kay EJ ang kanyang napapansin sa Kuya niya.
"Kasi?"Naghihintay na sabi ni EJ.
"Ah eh.."Hind namang natuloy na sabi ni DM.
"Ano ba inuubos mo oras ko eh.Ano nga yun?"Medyo naiirita na naman si EJ.
"Kasi napansin ko lang sa Kuya mo na para may mabigat siyang problemang dinadala.Baka kako hindi niya pa nakakalimutan yung narinig niya nung nag usap kayo ni Jessica"Walang prenong sabi ni DM.Nagulat naman siya sa rebelasyon ni DM.
"Anong ibig mong sabihin?"Kinakabahang sabi ni EJ.
"Kasi nakita ko ang Kuya mo at si Eric na nakikinig sa usapan niyo.Pupunta sana ako sa iyo ng araw na iyon para ayain ka sanang umalis. Kaso lang ng nasa pintuan niyo na ako.Nakita ko na may kausap ka. Si Jessica yung kausap mo.May bintana dun sa pinag usapan niyo ni Jessica. Doon ko nakita ang Kuya mo at si Eric.Baka narinig niya yung mga pinag usapan niyo.Kasi ako rinig na rinig ko ang lahat."Mahabang paliwang ni DM kay EJ. Kinabahan siya kasi baka nga narinig siya ng Kuya Athan niya at ni Eric.Hindi siya makapagsalita kasi parang may kung anong bumara sa lalamunan niya.
"Ah eh..DM.Bukas na lang tayo mag usap tungkol diyan.Bigla sumakit ang ulo ko"Palusot na lang niya para matapos na ang usapan nila ni DM.
"Ah ganun ba.Pasensya na kung ngayon ko lang ito nasabi sa iyo.Sige..Nyt nyt.Sweet dreams"Ang nasabi na lang ni DM.
"Ah wala yun.Salamat sa impormasyon.Pasensya na rin.Sige bye."Sabi na lang ni EJ. Sabay baba ng telepono.
Kinakabahan siya pagkatapos malaman niya na may nakarinig ng kanilang usapan.Hindi nga kaya ito ang dahilan kung bakit nakikita niyang parang may mabigat ng dinadala ang Kuya niya. Kung bakit lagi na itong umiinom gabi gabi. Hindi kasi niya ito makausap simula ng mamatay ang Papa nila.Pero hindi siya mapakali.Kaya ang ginawa niya ay hinanap niya ang Kuya Athan niya para mag usap sila.Bahala na kung anong mangyayari.
Yun na nga ang ginawa ni EJ. Hinanap niya ang Kuya niya. Hindi nga siya nagkamali at nasa mini bar pa siya.Umiinom na naman. Mukhang marami na siyang naiinom dahil nakadalawang bote na ito ng alak. Nilakasan niya ang loob niya para harapin ang Kuya niya.Bahala na kung saktan siya nito.Ang importante ay makapag-usap sila.Huminga siya ng malalim bago humarap sa Kuya niya.
"Kuya pwede ba tayong mag usap?"Tanong ni EJ.Humarap si Athan. Pagkakita kay EJ bumalik ulit ang tingin niya sa boteng iniinom niya.Hindi niya ang alam kung okay lang sa Kuya niya.Kaya nagsalita na siya bahala na ang nasabi na lang niya sa sarili niya.
"Kuya pasensya na sa lahat lahat.Alam kong kasalanan ko lahat ng nangyari sa pamilya natin.Nagsisisi na ako sa pangingialam ko sa buhay mo. Sana mapatawad mo ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari.Lalo na ang pagkamatay ni Papa"Nangingilid na ang luha niya ng mga oras na iyon.
"Kuya..aaminin ko. Naiingit ako sa iyo dahil lagi kang bukambibig ni Papa.Gusto ko naman sana na mapansin ako ni Papa.Yung pagrerebelde ang siyang isa sa mga paraan ko para mapansin ako ni Papa.Pasensya ka na kung pinakialaman ko ang buhay mo.Kung hindi ko ginawa yun Magagalit ka kay Papa kasi siya alam na niya buong pagkatao mo.Mahal kita Kuya kaya ayokong masira ka kay Papa.Kaya ko nagawa ang lahat ng ito.Pasensya na kuya.Sana mapatawad mo ako"Naluluhang sabi ni EJ.Sabay yakap kay Athan. Tumagal ito ng ilang minuto.Walang narinig si EJ mula sa Kuya niya. Hindi rin ito gumagalaw.Bumitaw siya sa pagkakayakap niya dito. At tuluyang umalis at umakyat ng kuwarto.
Habang si Athan naman ay hindi makapaniwala sa narinig mula kay EJ.Oo narinig niya ang lahat lahat ng mag usap sila ni Jessica. Masakit kasi siya ang naging dahilan ng pagkawatak watak ng pamilya nila. Sinisisi niya ngayon ang sarili niya.Kung hindi niya minahal si Eric hindi sana magiging ganito ang pamilya niya.
Alam niya rin kung gaano siya kamahal ng pamilya niya lalo na si EJ.Siya ang gumawa ng paraan para hindi na magalit ang Papa niya.Sobrang sakit dahil pati si Jessica ay nadamay.Mahal niya ang pamilya niya. Lalo na si Jessica at Eric. Pero kailangan niya mamili kung sino ba talaga ang dapat.Nahihirapan na siya.Gusto na niyang mamatay.Pero mas lalo lang niyang sasaktan ang mga nagmamahal sa kanya.
Isang desisyon ang kanyang naisip.Matagal na niya itong balak simula ng marinig niya ang lahat lahat kina EJ at Jessica. Maaaring mabago ang lahat kung itong desisyon niya ay ipagpapatuloy niya.Siya ang tatapos sa kung anumang problemang dinulot ng pag-ibig niya kay Eric.Masakit man pero kailangan niyang gawin ito.
4 comments:
Hombilis ng update!!! Ok ang story mo. Sakto ang phasing ng story. Wala masyadong paliguy-ligoy. Sana maging ok na yung mag-kapatid. Mahaba pa tong story na to noh?
-icy-
Hombilis ng update!!! Ok ang story mo. Sakto ang phasing ng story. Wala masyadong paliguy-ligoy. Sana maging ok na yung mag-kapatid. Mahaba pa tong story na to noh?
-icy-
Salamat sa iyo @icy.Hehehe..Yup medyo mahaba pa siya.Hindi ko kasi eksaktong matantiya kung hanggang ilang chapter siya pero may naiisip na rin kasi akong kung paano yung magiging takbo nito hanggang sa matapos siya.Ginagawa ko na kasi yung ibang mga chapters.So doon ko pa lang siya malalaman and iuupdate ko rin kayo kung malapit ng matapos ito. Hehehehe..
yay!! update again :D hahaha!! ang ganda ng flow ng story. Nadadala ako ng emotions ng story. thank you po and God bless :]
@Marc..salamat sa pagdalaw ulit..hehehe..mas madadala ka sa mga susunod na eksena..
Post a Comment