Tuesday, October 11, 2011

SA ISANG IGLAP© Chapter 21 (Ang pagbabago)

Andito na naman po ang inyong lingkod.Magbibigay po ulit ng konting patalastas. 

Sa pagpapatuloy po na aking kwento ay magsisimula na po ang bagong kabanata ng buhay ni EJ. Dito na magsisimula ang buhay pag-ibig niya. Sundan niyo po ang mga susunod na kaganapan sa buhay niya. Ano anong pagsubok ang darating sa kanya. Hindi po ito Book 2. at wala po akong balak gawan ito ng Book 2. kasi may nakahanda na po akong bagong istorya. Hindi ko pa po alam kung hanggan kailan itong kwento na ito. Pero iuuapdate ko po kayo kung tapos ko na pong gawin ang kwento na ito.

Salamat nga pala kay Dada at sa mga silent readers kung meron man.Hehehe.Maraming maraming salamat ulit sa inyong walang sawang pagsuporta at pagtangkilik sa aking akda. Maraming maraming salamat sa inyo. Heto na po ang sunod na kabanata. Enjoy!.
*****************************************************************************************************
Dali dali niyang sinagot ng sobrang excited.Baka ang Kuya Athan niya ang tumawag kasi nilagay niya sa Facebook account niya ang number niya.Nagbabakasakaling tumawag o magparamdam man lang sa kanila.Miss na miss na niya ang Kuya niya.

"Hello"Masiglang sabi ni EJ sa tumawag.

"Can I speak to Mr. Enrique James Millares?"Sabi ng tumawag.

"Yes speaking"Mahinang sabi ni EJ.Sabay ng lungkot ng mukha kasi hindi ang Kuya niya ang tumawag.

"Hi,Mr Millares.I'm from St. Luke's Medical Center Recruitment team based in Quezon City.We would like to inform you that we have a slot for you as a nurse trainee. But you will undergo first a 6 months training and after that we will check your performance if we will continue to hire you.Please come this Friday for your orientation.Around 1 pm. You should be there 1 pm sharp.No late and please wear your white uniform.Thanks.Any questions?"Ang sabi ng babaeng kausap niya sa cellphone.

"Ok.Count me in.Thanks for that info."Ang nasabi na lang ni EJ.

"Ok then.Will see you there.Bye."Sabi ng kausap ni EJ.Sabay baba ng telepono.

Napabuntong ng hininga na lang si EJ matapos ang maikling usapan nila ng babaeng kausap niya. Akala niya kasi ang Kuya Athan niya pero okay na rin.Siguro hindi pa handa ang Kuya niya.Maghihintay na lang siya ulit. Pero natutuwa siya dahil may trabaho na rin siya.Sana tuloy tuloy na ito. Matagal na niyang hinahangad ito. Tanong niya sa sarili niya ay sino kaya kasama niya. Nag-apply pareho sila ni DM. Nakuha rin kaya siya. Habang iniisip niya yun.Biglang tumunog ulit ang cellphone niya. Tatawagan niya rin naman ito buti na lang tumawag si DM sa kanya.

"Hello DM?"Bati ni EJ.

"Oi EJ..may good news ako"Masiglang sabi ni DM. Mukhang alam na niya kung anong sasabihin nito.May ideya na siya sana tama yung hinala niya.

"O ano naman yun?"Maang maangan na sabi niya.

"Natanggap na ako sa hospital."Sabi ni DM.

"Ganun good news talaga yun.Swerte mo."Kunyaring malungkot na sabi ni EJ.

"O bat ganyan ang boses mo?Hindi ka pa ba tinatawagan? Di ba pareho tayong nag aaply sa mga hospital?"Ang sabi ni DM.

"Hindi pa tol eh.San ka ba nakuha?"Ang tanong ni EJ.

"Sa St Luke's Medical Center sa quezon city. Friday nga yun at 1 pm ang orientation.Sayang akala ko eh.May kasabay ako."Ang malungkot na sabi ni DM.

"Ok lang yun.Opportunity na rin yan.Sunggaban mo na.Ako,siguro hintay na lang muna."Sabi ni EJ.

"Hindi na lang kaya ako tumuloy."Sabi ni DM.

"Eh ba't naman?"Tanong niya.

"Eh gusto kong kasama ka eh.At least hindi ako malulungkot."Malungkot na sabi ni DM.

"Ungas ka talaga..Ginawa ba akong clown."Ang tugon niya.

"Hindi naman.At least may kausap ako.Hindi ako maO-OP."Sabi ni DM.

"Basta..puntahan mo yan.Sayang yan.Maraming walang trabaho.Ok?"Ang tanging nasabi niya.

"Sabi mo eh..Sige.baba ko na ito.May gagawin pa ako."Ang sabi ni DM.

"Ok..asahan ko yan.Cge bibisitahin na lang kita dun."Tugon niya.

"Ok bye."Ang malungkot na sabi ni DM.

"Ok..bye rin."Tugon niya sabay baba ng cellphone.Natatawa siya kasi naisahan niya si DM. Gugulatin na lang niya ito.Siyempre hindi siya papatalo dun. Nangako kaya sila sa isa't isa na parehas dapat ng hospital ang papasukan nila.Walang iwanan. Napapangiti na lang siya sa maaaring mangyari sa Biyernes.

Dumating ang araw ng Biyernes,Maagang dumating si DM.Excited dahil nagsabi siya kay EJ na magkikita sila after ng orientation para magdiwang ng unang araw ng trabaho niya. Umoo naman si EJ. 

Biglang naihi si DM.Kaya naghanap ito ng CR sa hospital.Matapos niyang magCR. May nakita siyang pamilyar na mukha.Hindi siya pwedeng magkamali. Kasi nakita na niya ito dati. Mukhang may hinahantay. Lumapit siya dito para makipagkilala.

"Hi".Ang bati niya sa babae.Hindi naman tumingin yung babae kay DM.

"Sungit naman"sabi niya sabay harap dito.Kumaway siya at inulit ang mag "HI".

"Ay sori..ako pala kausap mo."Ang medyong masungit at sarkastikong sabi ng babae.

"I'm DM."Sabi niya sabay lahad ng kamay niya.

"Hi I'm..."Ang naputol na sabi ng babaeng kausap niya ng biglang nagring ang phone nito. Nagpaumanhin siya kay DM bago sinagot ang tawag.Matapos kausapin ang tumawag ay tumingin siya ulit kay DM at nagsalita.

"I need to go..hinihintay na kasi ako.Bye"Sabi ng babae at mabilis na umalis sa kinaroroonan.

Napabuntong hininga siya sa nangyari.Hindi man lang niya nakuha ang pangalan ng babaeng kausap niya. Nakita na niya iyon dati.Iniisip niya iyon hanggang sa maalala niya na doon sila nagkita sa PGH nung nag-aaply siya.At ang alam niya rin ay nakita niya rin ito sa bahay nila EJ.Pero baka namalikmata lang siya.

Nasa ganoon siyang pag-iisp ng manlaki ang mata niya sa nakita niya. Sinabi nito na hindi siya nakuha bakit siya andito at nakaputi pa. Medyo nainis siya kay EJ. Pero natutuwa siya kasi pareho pala sila ng pagtatrabahuhan.Kaya nakaisip siya na sorpresahin din niya ito.

Siguro kaya sinabi nitong pumunta ay dahil nakuha rin pala ito.Puwes humanda siya dahil siya ang masosorpresa ang nasabi na lang ni DM sa sarili. Napangiti naman siya dun sa naisip niya.Nagtago siya para hindi siya makita ni EJ.

Habang si EJ naman ay naglalakad sa hallway sa harap ng St.Luke's ay may nakita siyang pamilyar na mga mukha. Hindi siya pwedeng magkamali. Sina Natasha,AJ at JM yun. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi. Sa isang banda natutuwa siya dahil magkakasama pa rin pala talaga sila. Pero sa isang banda ay nagagalit siya sa mga ito lalo na kay Natasha.Hindi man lang talaga sila nakipag usap sa kanya nung libing ng Papa niya.Nasa ganoong pagmumuni muni siya ng makita niya papalapit na sa kinaroroonan niya ang tatlo.Bigla siyang nagtago.

Hindi naman ito nakalusot sa mga mata ni JM,ang bestfriend niya. Nagulat siya nung makita dito pala siyang magtatrabaho.Buti na lang maraming umalis na mga nurse kaya kumuha sila ulit ng maraming staff nurse. Medyo naiinis siya ng makitang nagtago ito. Siguro galit pa rin ito sa kanila. Gusto niya sana kausapin ito.Ng akmang pupuntahan si EJ.Bigla siyang tinawag ni Natasha.

"JM? San ka na naman pupunta?"Medyong naiinis na sabi ni Natasha.

"CR muna ako."Ang alibi ni JM.

"KakaCR mo lang ha.magC-CR ka na naman."Ang sabi ni AJ.

"Eh sa sumasakit ang tiyan ko eh.Gusto mo bang magkalat pa ako.Saka ano bang pakialam mo."Medyo naiinis na sabi ni JM kay AJ.Inismiran na lang siya ni AJ.

"Ok sige daliaan mo."Ang nasabi na lang ni Natasha. 

Dali dali siyang umalis at hinanap niya si EJ. Habang si EJ ay panay ang tago nito para hindi siya makita ni JM.Alam niyang nakita siya nito pero hindi pa siya handang makipag-usap sa kanila. Masakit pa rin ang ginawang pang-iiwan ng mga ito nung mga oras na kailangan niya ng kaibigan na masasandalan.

Medyo nainis na si JM kasi hindi niya makita si EJ. Habang si DM naman ay tatawa tawang sinusundan si EJ.Hindi niya man maintindihan kung bakit nagtatago si EJ dun sa lalaking naghahanap sa kanya ay para siyang nakaramdam ng selos.Selos na hindi niya maintindihan kung bakit. Pero pinagkibit balikat niya na lang ito.Naiinis na rin sina AJ at Natasha dahil ang tagal na ni JM.Nagugutom na rin sila dahil sa dami ng trabaho na inaasign sa kanila ng head nurse nila.

Nauna sila Natasha,AJ at JM na makapasok sa St. Luke's. 2 months na silang nagwowork simula ng araw ng makipaglibing sila sa ama ni EJ. Gusto man nilang isama si EJ dala na marahil ng pride ay mas pinili nilang wag muna itong kausapin.

Hinahanap pa rin ni JM si EJ pero hindi pa rin niya makita ito. Biglang tumunog ang cellphone ni JM. Tumatawag si Natasha.

"Hoy nasaan ka na ba?"Ang galit na bungad ni Natasha.

"Andito pa ako sa CR."Palusot niya.

"Dalian mo naman gutom na kami ni AJ."Pagmamakaawa niya kay JM.Wala ng nagawa si JM kundi ang balikan sila at mamaya na lang niya hanapin ulit si EJ.Alam niyang magkikita pa sila ulit.Kung dito talaga ito magtatrabaho.

Habang si EJ ay pumasok na sa loob ng conference room kung saan magaganap ang orientation. Ang hindi niya alam ay nakapasok na rin si DM. Hindi na niya naisip na sosorpresahin niya dapat ito. Nakalimutan niya ito ng dahil kina JM.Nakita niya kasi sila ng hindi niya inaasahan kaya wala na siyang inintindi kundi ang magtago. 

Lumipas ang ilang oras ng diskusyon sa orientation ng mga bagong Nurse na itatrain ay binigyan silang ng 15 minutes na break. Wala rin siyang masyadong maintindihan sa mga sinabi sa orientation dala siguro ng pag-alala sa nangyari kanina.Wala sa sarili na umalis si EJ sa loob ng conference room.Paglabas na paglabas niya ng room ay may humablot sa kanyang braso na kinagulat niya.

2 comments:

dada said...

"DM???" ang gulat gulatang nasabi ni EJ.

Ahaha adik lang...nc chap jayfinpa

Unknown said...

Dada-adik ka talaga..hehehe..sana tama ka..hehehe..abangan mo na lang sa friday ang sagot.

ShareThis